a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

TWILIGHT SUMMARY ( in tagalog pare!)
Active Vista Film Festival
How's Ely (Ely Buendia Update)
How's Tara (Tara Santelices Update)
Fundraising Events for Tara
37 things you don't know (i think) about it...
Googling Myself - new past time
iBANG item no.009
iBANG! item no.008
iBANG! item no.007

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

28.4.05

« Eupee Trip »

"First time ko lang magpunta sa UP. Kasama ko si Hubert. Sya naman, second time na, pero nung unang panahon pa ang kanyang huling punta. Kaya huhulaan nalang namin ang daan papunta sa UP."

Japanese Sweet Corn
Nag FX kami… Adventure pala, hanggang katipunan then jeep hanggang UP. Nakadaan nanaman ako ng katipunan ave. Habang bumibyahe, lampas sampu ang nakita kong signboard na may nakasulat ng “Japanese Sweet Corn, May Luto”. Biglang nag-pop sa utak ko, “bat ang hilig nila magbenta ng Japanese sweetcorn?”. Dahil isipin mo, isa lang ang binebenta nila pero halos every 50 meters may nag bebenta ng ganun. Eto pa, saan nila nakuha yung Japanese sweetcorn? Alam kong galing Japan pero paano nila nakuha? Galing ba sila doon? At bakit pa kelangang pare-pareho ang sign board? At bat pa kailangan may “May Luto”. Eh Basta, ang gugulo nila, walang sariling originality.

The State University
Kalimutan na natin ang “Japanese Sweet Corn, May Luto” na yan. Papasok na kami sa teritoryo ng mga aktibista. Sa lugar kung saan laganap ang Fraternity at Sorority; Sa lugar kung saan mo makikita ang estatua ng lalaking naka-dipa at walang saplot; Sa lugar kung saan shinoot ni Karel Marquez ang kanyang commercial; Kung saan every year may isang lupon ng kalalakihang tila mga ninja na nagtatakbuhan ng naka-hubo; The State University, ang Unibersidad ng Pilipinas or kilala sa tawag na UP Diliman. Grabe first time ko lang makaapak sa UP. Kaya pag pasok na pagpasok ng jeep na sinasakyan namin ni Hubert sa vicinity ng UP, halos mamilipit ang leeg namin sa kakalingon dito, lingon doon. Kaya sabi ko kay Hubert na bumaba na kami at i-explore ang buong campus habang hinahanap namin ang Abelardo Hall. Nagsimula na kaming mag lakad. Namangha ako nang makita ko ang malawak na Sunken Garden at parang gusto kong magtatakbo sa malawak sa damuhan at magdive una ang dibdib sabay dudulas. Pero, ano ako sira? Naglakad na lang kami nang naglakad. Maya-maya, nakaramdam na kami ng uhaw at tamang-tama, may isang maliit na tindahan at bumili si Hubert ng C2 at ako naman may nakita akong bagong inumin. Siyempre, na-curious nanaman ako kung ano ang lasa nun. Kulay pulang softdrinks sa may title na “Pepsi Fire”. Taena, pangalan palan mapapabili ka talaga. Nangiinumin ko na, hindi ko maintindihan ang lasa. Parang Mountain Dew Code Red na… Juice? Basta… May ka-tandem pala yun, “Pepsi Ice”, kulay blue naman yun, pero di ko na binili dahil alam kong lasang “Pepsi Blue” yon, iniba lang ng pangalan. Limited Edition daw yun eh, nakalagay sa label. Anyway, nagsimula na kaming maglakad habang iniinom ang mga nabili namin. Habang nag lalakad, nagdesisyon na kami na hanapin na namin ang aming pakay. Naglibut-libot kami hanggang makarating sa liblib na lugar. Taena, naliligaw na kami. Hindi namin makita ang Abelardo Hall. Naghanap kami ng ermitanyo para ituro ang daan. But instead, nakakita kami ng mamang naka-orange na kamukha ng isang character sa “Pupung”. Tinuro nya ang daan at sabi nya, banda doon daw. Di ko matukoy kung saan yung tinuturo nya pero sabi nya diretcho lang kami. Kaya sinundan namin yung direksyon kung saan nakaturo ang kanyang hintuturo. Lumakad ulit kami at di ko napansin na nadaanan pala namin ang rebulto ng mamang naka-bold at naka-dipa. Maya-maya, nakita na namin ang hinahanap naming building ang Abelardo Hall. Nasa tabi lang pala ng “Qwek-qwekan, Fishbolan, C2han at iba pa” kaya kumain muna ako ng qwek-qwek bago pumasok. Masustansya at malinamnam ang qwek-qwek ni manong, maalat-alat ang kulay orange. After kong kumain, pumasok na kami saloob. Nagtanong kami sa mabait ng security guard kung saan ang admision/administration office. Sabi nya, dun daw sa loob, pangatlong building na may kulay green na bubong. Hinanap namin yun at bingo! Nakita namin! Tinanong na ni Hubert sa office ang kanyang pakay. Pero nanghina si Hubert nang masagap ang balitang tapos na ang nasabing pakulo ng school at next year pa sya makakapasok. Kaya bumalik na kami sa labas at naglakad sa abot ng aming makakaya at kung saan kami dalhin ng aming mga paa.

Ang dami naming nakita sa paglalakad. May mga Extreme Mountain Bikers, mga taong parang nag-pipicnic sa damuhan, Mga Nag-jojogging at nag-wowalkathon, mga nag-tetenis, mga wathatoom at mga nuno sa punso. Maya-maya, naisipan na naming hanapin ang exit at uuwi na kami. Pero habang naglalakad, napunta ulit kami sa mga lugar na nadaanan na namin. Nakita ulit namin ang mga nag-tetenis. Sabi ko, baliktarin na namin ang aming mga t-sert at baka pinaglalaruan kami ng dwende. May naisip si Hubert… may pinsan daw sya doon at makikipagkita nalang daw kami para may kasabay kami palabas. Ayun naghanap kami ng pay phone para macontact na ang kanyang pinsan. Napadpad kami sa Ipil Residence Hall at doon kami nakahanap ng Phone Booth. Tinawagan na namin ang pinsan nya at nakipag kita sa tapat ng Ipil Residence Hall. Langya, dun lang pala sa katabing dorm yung pinsan nya!!! Kaya ayun, naglakad kami papuntang sakayan at nag-abang ng jeep papuntang tulay sa katipunan at pagdting doon, nag-FX ulit kami hanggang webzone at para akong nabuhusan ng isang bote ng Elmer’s Glue sa lagkit ng aking balat sa pawis at init. Pero, hindi pa ako umuwi non. Nag-internet nalang ako hanggang 12:30 AM. –END-

---------------------------------------------

25.4.05

« Cheek to cheek »

"this song has a great deep meaning to me. and i can relate from it."



Bound to say something, eyes closed,
It's cold, and I'm home
I feel like nothing again,
Pretending not to care, but I care,
And I care, don't say another word
Our time was worthless, and I tried
We started over and over again, as we let go
We held each other, held hands,
Held standards and grudges
That's when I let you know,
I guess that goes to show

Just what I've been going through,
More nights of hugging my pillow, oh
Replaying memories

Sing this song for me;
And tell me how you'll never leave my side
I'll meet you at 7
I miss you already, goodbye to you
(The last goodbye, I'll never say to you)

Time was worthless, and I tried
We started over and over again, as we let go
We held each other, held hands,
held standards and grudges
That's when I let you know,
I guess that goes to show

Sing this song for me
And tell me how you'll never leave my side
I'll meet you at 7
I miss you already, goodbye to you
the last goodbye I'll ever say to you

And I tried so hard,
And I've done my part,
And not to mention most of all of yours
Try and feel,
Try and listen,
Try and think of what you're missing,
Try to look into my eyes.
TRY!!!


Goodbye!!!

Sing this song for me
And tell me how you'll never leave my side
I'll meet you at 7
I miss you already
Goodbye to you
The last goodbye I'll ever say to you
Replaying memories
You'll never leave my side

~ The Starting Line, "Say it like you mean it" album

---------------------------------------------

21.4.05

« it's in my control »

"Why would I take it too far with not thinking about the end at all. If a fortune could say what the future will bring, then I'm not convinced, It's ending in tragedy. And most of all, It's in my control to end it all."

---------------------------------------------

« Dreamin' for a dream »

Last night I had a dream that we went to Disneyland. We went on all the rides and didn't have to wait in line. I drove you to your house where we stared up at the stars and I listened to your heartbeat as I held you in my arms. We hung out at the rainbow where we drank ‘til half past two. Nothing could go wrong anytime that I'm with you. Like crashing a hotel room or leading up to that first kiss or searching for a high school that you know doesn't exist. These are the things that make me free. I feel like I'm stuck in "stand by me". This night was too good to be true.

Today I woke up alone and wishing you were here with me. I wanted us to be something that we'd probably never be. Today you called me up and said you'd see me at our show but now I'm stuck debating if I even want to go. *<yournamehere>, don't you understand that what I say is true? I just want you to know *that i'm so in love with you. I'd drive you to Las Vegas and do the things you want to do. I'd even have *Yael Yuzon dedicate a song to you. I only wish that this could be. Just dump your boyfriend and go out with me and I swear I'd treat you like a queen.


~San Dimas Highschool Football Rules
*revised

---------------------------------------------

14.4.05

« If i? »

If you..
People are often unreasonable,
illogical and self-centered,
forgive them anyway.

If you are kind,
people may accuseyou of selfish, ulterior motives;
be kind anyway.

If you are successful,
you will win somefalse friends and some true enemies;
succeed anyway.

If you are honest and frank,
people may cheat you;
be honest anyway.

What you spend years building,
someone could destroy it overnight;
build anyway.

If you find serenity and happiness,
there may be jealousy;
be happy anyway.

The good you do today,
people will often forget tomorrow;
do good anyway.

Give the world the best you have,
and it may never be enough;
give the world your best anyway.

You see, in the final analysis,
it is between you and god;
it was never between you and them anyway...
~ Mother Teresa

---------------------------------------------

12.4.05

« Reel Ends @ the Gig »

April 9, araw ng gig namen. Hindi ko alam kong ano ang una kng gagawin. Naglinis muna ako ng kwarto tapos nag-rehearse ako sa kwarto ko. Nagmistulang underground concert ang kwarto ko nung mga oras na yun. Maya-maya, napaisip ako ako kung anong oras ko kaya kukunin kila Chelskiedoodleletskie yung Viewcam nya dahil kailangan ko para sa gig. Nang biglang, “too-toot, too-toot”, may nag message sa cellphone at nagtext si Chelskiedoodleletskie. Hahaha, sakto! Nabasa siguro ang isip ko, buwahahaha!!! Yun nga, tinatanong nya kung anong oras ko kukunin yung videocam. Sabi ko maya-maya. Ayun, naligo na ako at nagbihis. Mga around 2:00 yata umalis na ako. Then kinuha ko na yung cam tapos nag-stay na muna ako sa kanila ng, di ko na maalala yung oras eh. Wala ng panahon para tumingin sa orasan.

After kila Chelskiedoodleletskie, tumungo naman ako kila Albert para sunduin siya dahil tutugtog nga ang White Trash. Pagdating doon, ba’y akalain mong ayaw daw tumgtog ni Albert, hindi na daw nya trip tumugtog. Tinanong ko ang dahilan pero sabi nya, WALA lang, ayaw nya lang talaga. Anung klase yun?!! Akala ko, ok na. Nakailang pilit ako sa kanya pero ayaw pa rin talaga. Biglang uminit ang mukha ko, literal, at nababadtrip na ako. Sinubukan ko pa ring kausapin pero wala. Kaya naisipan ko nang umalis dahil wala na akong mapapala dito.

Dumerecho ako sa webzone na tila walang kilala at nakakulot ang noo at salubong ka kilay. Kaya pala ako dumerecho sa webzone ay para iwan ko na doon yung veiwcam ni Chelskiedoodleletskie. Hindi na ako nagtagal umalis din kaagad ako para mag bihis for our gig. Nakahanda na rin kasi sila hubert at inaantay na nila si Eisner. Pag-uwi ko, nagbihis na ako at bumalik sa webzone. Hinintay na namin si Eisner at ang van nya.

Pagdating ni Eisner ng mga 6:30, sinabi ko sa kanya na ayaw ngang tumugtog ni Albert at nag-iinarte. Gumawa ng paraan si Eisner at dadaanan daw namin si Albert. Edi yun na nga, pumunta kami ng parang pero wala daw doon si Albert. Pumunta daw kila Jed, schoolmate ni Albert sa CEU na taga-Strip 70 sa may Baytree. Kaya bumalik ulit kami sa strp 70 para hagilapin si Albert. Pagdating namin sa bahay nila Jed, Tinawag namin siya. Eh eksaktong parang may-padasal sa kanila. Kumakanta ng mga banal na kanta at tila walang naririnig sa mga sigaw namin ni Eisner. Naka-ilang tawag kami ng “JED!!!” at nakailang katok kami sa gate. Gasgas na ang gilid ng 25 centavo coin ko. Ngangalahati na yung bariya ko kaya naisipan kong laksan ang katok at sigaw. Ayan, narinig na nila yung sigaw ko. Hinanap ko si Jed at pinapunta kami sa kabilang pintuan. Pagpasok namin sa gate, napansin ko na may DOORBELL pala, nasa tabi lang ni Eisner. Taena, gisgas pa yung boses ko at yung 25 centavo coin ko may doorbell naman pala!!! Pinalabas namin si Albert at pinilit ni Eisner. Naka 10 minutes kami doon at maya-maya, nakumbinsi ni Eisner na sumama si Albert at iyun, sumakay na kami sa van. Dinaanan na rin namin si Arnold sa may barangka at iyun, tumungo na kami sa Timog Ave. Sa Branigans.

Hindi namin kabisado kung saan yung branigans kaya ng nasa Timog Ave. na kami, halos isang oras bago namin natunton yung nasabing bar. Akala namin, late na kami pero hindi pa pala nag-sastart.

White Trash na ang unang tumugtog dahil ibabalik din namin kaagad si Albert kung saan namin siya sinundo. Parang Hiniram lang namin siya or let’s say na in-abduct or kinidnap sandali. Ang Ransom, tumugtog ng anim na kanta. Hehehe. Ayun, anim na banda lang ang tumutog at pang huli ang Step an inch.

About sa Viewcam. Nakalimutan kong bumili ng Blank Video8 dahil paubos na yung latest na binili ko. Kaya hanggang White Trash lang ang nacover ng cam. Sinubukan namin ni Maiko na maghanap ng bukas na store na may V8. Binagtas namin ang kahabaan ng Timog Avenue. Madmai kaming nadaanan sikat na bar. Zirkoh, Laffline, Burger King… bar ba yun? Pero madami ng bar eh. Naka-abot kami sa kadulu-duluhan pero wala kaming nakita. Kaya bumalik na kami. Habang naglalakad pabalik, dumaan muna kami sa Burger King at umorder ako ng Whopper Jr. dahil gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na ako. Take-out na namin yung combo meal at kinain hanbang naglalakad. SARAP. Sarpa ng buger na nauusukan ng mga usok galing sa tambucho ng mga dumadaang sasakyan. Pero ok lang yun, masarap naman. Parang pina-usukang Whopper.

After ng gig, umuwi kami ng malumanay at kami ay nagcommute. Sila Hubert, Maiko at Queenie ay nag-taxi, Sossy! Ang naira, Ako, Jerson, Edge, Emerson, Kiko, Eboy, GF ni Eboy, Ewing, Dalawang guest ng Lifestory. Nag-jeep kami hanggang EDSA. Pagbaba sa may EDSA, binaybay namin ang EDSA papuntang GMA dahi doon ang labasna ng mga Bus. Sumakay na kami sa bus papuntang Cubao at hindi na ako nakapagbayad, hee hee hee! Pagdating sa Cubao, humiwalay na ako sa kanila dahil SSS Village ang sasakyan ko. Sila, Montalban. Mga isang oras akong naghintay sa ilalim ng madilim na kalangitan at nakakita rin ako ng Jeep na SSS. Ayun, nakauwi ako ng peaceful. –END-

---------------------------------------------

9.4.05

« done and dead? »

The sadness comes when it's least expected. It shot out of the dark and slammed in our face. The hurt it brings can't be stopped and the hurt it brings can't be cured. Just when I thought things were alright. You came in and ripped out my heart. My stomach is full of butterflies. The thought of you gone, it tears me apart. I remember you and me when we used to laugh all night until we fell asleep and I know we're through but I've still got thoughts of you left inside my head. Well... in my head.

The love that I have for you is done and dead, it's so far away but you're still here in my head and you're still here, you'll never leave my heart. So stop me now. Stop my thoughts cause you're killin’ me but you don't know even though we've grown apart I'll still be there for you cause I don't want to be just a memory to you.

---------------------------------------------

« Decipher »

CODE


---------------------------------------------

7.4.05

« Le Ching Tea House »

Matagal ko nang pangarap magkaroon ng TV tuner sa PC ko. Mga last month siguro, gusto ko nang magkaroon. Kaya kahapon, nagroon ako ng chance para bumili ng TV tuner.

Naghanda na ako para magpunta ng Gilmore dahil doon ako bibili. Pero bago ako pumunta sa Gilmore, dumaan na muna ako sa webzone dahil pupunta daw si Albert doon. Sakto, aalis din pala si Hubert at dumating naman si Solomon, kaya sabay-sabay na kaming umalis. Pupunta nga pala si Hubert sa Robinson’s Galleria para magparefund ng ticket (yata). Kaya habang nasa FX kami at bumibyahe patungong Cubao, napagisip-isip kong samahan muna sila Hubert sa Galle’ para sabay-sabay na kaming tatlo. Pagdating sa cubao, nag-bus na kami para tipid, yun lang, ang bagal. Pero nakarating naman kami sa Galle’. Ayun, pagdating namin, pinuntahan na ni Hubert yung pakay nya doon. Bumili pa kami ng King Cone. Taenang King cone yan, biten! Yung waffer stick, illusion lang pala!!! Kala ko mahaba!!! Kasing laki lang pala ng pinkie finger. Pero masarap sya. Maya-maya, habang papalabas na kami ng mall, naisip kong sa Greenhills nalang bumili para mas malapit na at siguradong mura dun. Kaya nag bus na kami papuntang Viramol.

Lecheng Tea House yan! Le Ching Too!
A
fter ng ilang months, naka-apak nanaman ako sa Greehills. Naalala ko tuloy yung time na nakita naming dalaawa ni Armel dun si Kristine Hermosa w/ her 2 sisters. Anyweeeyz, ayun nilakad namin papuntang Viramol. Excited na ako, nag biglang… under renovation pala yung Viramol. Damn it!!! Sinubukan naming ikutin ang buong mall baka may bukas na tindahan ng PC parts. Napadpad kami sa “Car Park…” basta ganun yung pangalan nung parang mini-mall na yun, nakalimutan ko na. At Sa wakas, nakabili na rin ako. After kong makuha yung pakay ko, nag-ikot-ikot muna kaming tatlo para mag-hanap ng kakainan. Sinuggest ko sa kanila na sa Chinese Resaurant na lang para maiba naman. Edi pumayag naman sila at nag hanap ng Chinese restaurant. May nakita kami, ang cute ng pangalan!!! Naka-lagay sa malaking sign na color yellow, “Le Ching Tea House”. Pinasok namin sa loob, kaso taena, sarado na pala. Napa-“Lecheng Tea House naman yan oh!” kaming tatlo. Kaya tinuloy-tuloy na namin ang paghahanap. May isang chinese restaurant din kaso parang karinderya lang yung ambiance. Kaya bumak-out kami. Sinyod namin yung hallway na yun at meronng nakita si Solomon, tang-ina! Nakakatuwa at nakakatawa. Alam mo ba ang pangalan ng Chinese Restaurant na nakita namin? Kanina, “Le Ching Tea House” ngayon naman, “Le Ching Too”. BUWAHAHA!!!! Mga Leche!!! May “too” pa. Parang inaasar yung nauna, BUWAHAHA!!! Edi pinasok na namin yung Lecheng Too. Langya, Chinese Restaurant ba ‘to o Stockroom? Para kasing stockroom lang ng mga sapatos yung pintuan. Super underground at parang mga restaurant sa China Town sa America, yung mga napapanood ko sa pelikula. Pero ok lang, masarap naman siguro ang mga foods. Pumwesto kami sa dulong-dulo, yung tipong di na makikita ng ibang tao. Doon kami sa may electric fan, solo namin!!! Ayan, makakakain na kami. Habang naghihitay sa waiter para kunin ang Menu, kwentuhan muna tungkol sa mga kalokohang ginagawa pagwalang pambayad sa restaurant and so on. Ayan na, may menu na kami. Grabe ang hirap pumili. Gusto kong kumain ng pancit, kaso wala daw sila. Nakanampucha! Chinese restaurant ba ‘to??? Sinabi ko sa waiter, “Pwede bang magpaluto ng Lucky Me Chili-mansi?”, walang reaksyon yung waiter. BUWAHAHAHA!!! Pumili pa kami ng food. Si Solomon may napili, mura lang kumpara sa iba. Plain Soup worth 18 pesos. BWUAHAH!!! Sigurado akong sabaw lang na may patis yun. Kaya sabi ko wag yan! Kaya siopaw nalang inorder nya, 2 pcs. Worth 50 pesos. So 25 lumalabas, 25 pesos isa. Langya, Sampumpiso lang sa bay-3 yan!!! Si Hubert naman, Rice and Beef worth 80 pesos? Basta ganun. Ako naman Beef Noodle Soup worth 80 pesos. WAW nakakamis si Mommy!!! Mahilig kasi kaming kumain nun. Hehe… Habang naghihitay sa inorder, may umupong mga matatanda sa katabi naming table, pero di namin pinansin. Kwentuhan, kalokohan. After 6 months, dumating na yung order ni Solomon, siopaw. Tapos kay Hubert, yung kanin na may beef sa ibabaw, BWUAHAHAHAHA!!! PARANG SA DENTISTA GALING YUNG LALAGYAN na pag naghulog ka ng ngipin, makakarinig ka ng tunog na “tongk”. Dumating na rin yung order ko after 1 minute and 6 months. Nanghingi kami ng chopstix, tatlo. Yung isa para sa akin. Yung isa para kay Solomon, taena, Siopaw chinapstik! Buwahaha!!! At yung isa naman, para sa buhok ko (pero pano ba ilagay sa buhok yun?). Waw, heaven… sarap ng food ko. Habang kumakain kami, nag-kwekwentuhan kami tungkol sa “tae”. Kaya biglang nagtinginan sa amin yung mga katabi naming matatanda. BUWAHAHAH!!! Pero di namin pinansin. Si Hubert, parang kinakahiya kaming dalawa dahil sa “TAE!!!” buwahahaha!!! Ayun, after that, busog ako at lumabas na. Nilakad namin papuntang sakayan ng taxi. Taena, anlayo, nagutom ulit ako. Pero ayun, sa wakas, nakaraos rin. Umuwi na kami at nagtaxi. Traffic nga eh, kaya around 7:00 PM na kami naka balik sa webzone. Hindi ko makakalimutan yung Lecheng Tea House na yun at Lecheng Too na yan!!!Babalik kami jan at maghahasik ng lagim. –END-

---------------------------------------------

6.4.05

« Dream Rocks »

Nanaginip ako kagabi. Super fresh, naalala ko pa. Once in a blue moon lang 'to kaya isusulat ko na. Talagang astig eh. Di ko nga alam kung nightmare or sweetdreams... hindi... dream lang 'to. harhar.

Kasama ko daw sila Hubert at Maiko. Pumunta daw kami sa isang malaking Rock Concert at dumating kami doon, nasa kalahati na ng program. Ang lawak ng venue pero siksikan ang tao, sobrang dami talaga. Ang lawak at ang laki pa ng stage. May tumutugtog na banda pero hindi ko marecognize kung anong band o sinong yun. Pero kilala daw namin sila. Lahat ng tumutugtog, kailala namin. Hindi naman sila kasikatan. Puro nga underground eh. Walang mainstream. Nung tumugtog na daw yung next band, syempre siksikan ang tao, super compressed at puro talunan lang. Walang moshpit at nagsasakitan. Sumasabay sa beat ng tugtog ang ang bawat talon. Lahat ng audience may pakisama sa isa’t isa. May mga nakita akong humihiga sa mga tao, Nag-iislide silang nakahiga sa mga ulunan ng bawat manonood. Samahan mo pa ng moderate na ulan at kulimlim ng kalangitan. Mga ilaw na sa isang rock concert mo lang makikita. Grabe, eto ang gusto kong concert. Walang payabangan at walang papansin. Wala ring nandudukot ng kung anumang bagay na nasa bulsa. Sobrang enjoy daw kami sa nasabing concert. Sinubukan ko raw magpabuhat at umislide ng papahiga sa mga tao (hindi ko alam kung anong term ang ginagamit doon). Since supuer compressed at umuulan-ulan pa, super slide talaga ako at para lang akong gumagapang sa plywood. Ang sarap pala ng feeling ng nagpapabuhat. Naranasan ko rin kahit sa panaginip lang.

After tumugtog ng banda, nagkaroon ng break dahil sa ulan. Gumilid daw lahat ng tao at nabuksan ang gitna. Biglang may isang mamang pumunta sa gitna, staff yata ng nasabing rock concert, may dala-dalang malaking laser pointer. Ano naman kaya ang gagawin nito? Nangbiglang tinapat sa isang audience at tinira. May pa-contest pala ang producer na event. Parang war games na malaking laser pointer ang gamit. Dapat daw, wag kang magpapatama dahil pagmatamaan ka, hindi ka na qualified. Hindi ko laam kung ano ang premyo pero ang alam ko, nag punta kami sa backstage nun eh. Nakipagkita ako sa mga kilala kong banda (pero hindi ko naman talaga sila kilala). Ayun, kwentuhan daw hanggang sa matapos na yung rock concert.

After daw nun, Pumunta kami sa isang mini-grocery nila Hubert at Maiko. Bumili kami ng pagkain. Si Maiko, bumili ng roasted chiken. Si Hubert, bumili ng isang galon na ice cream at ako naman daw bumili ng tatlong family size na pizza. Ayun kumain kami hanggang sa mabusog at biglang may narinig daw akong tumatahol na aso. Ubod ng lakas at tila nakakayamot yung pagtahol. Nang biglang naputol ang panaginip ko at talagang palang may tumatahol na aso sa kapit bahay at sobrang ingay. Dun ako nagising. Bad trip na aso yan. Pagkagising ko, hindi ko laam kung saan ko nakuha ito, kung saan ako na-LSS nito, pero tumutugtog sa isip ko yung KLSP ng Spongecola. Wala naman akong naaalala na nakinig ako ng KLSP ah… pero bat ganun? -END-

---------------------------------------------

5.4.05

« a letter from nobody »

"Your life is a timebomb set to explode. You talk out your ass and everyone knows. For once you should listen or care what i think or i'll be gone before you can blink. A world you created set to explode. You lie through your teeth and everyone knows. For once you should take what im willing to give or you'll stay stuck in the web that you’re trapped in.

It’s a shame that you should take and i know it’s not an easy one to make…that “you should trust the ones that are closest to you”.

You must not have a heart, have nothing in your chest to let it go for so long and let this go so far that it goes over your head. You could fool anyone with your pensive smile and you could live in your lie for only a while and i could only take so much (from not so far away) and i admit this could be love (but love can always wait)… but it goes over your head.

What does she have? Can you let go? Can you tell me? What i am aching to know.

You could ruin any mood just by saying what's on your mind. You could only tame his body never tame his mind and i can only take so much (from now so far away) and i admit this could be love (but how long did you wait)… but it goes over your head.

If i'm reaching you, you're not letting it show. Used up your space now, there's no room to grow. Too deep, can't breath and you can't find the end. It's right in front of you but it goes over your head.

You must not have a heart; Have nothing in your chest.

I'm holding on. Yes I am careful what I wish for. I am the knot in your stomach.
The phlegm in your throat. The message saying you're not home…
This is the truth, the only time you'll here it, I write it down because it seems so hard to say it…

These are my thoughts written down on paper and it's my only saviour from not saying what I want to say. There are my thoughts that are on my mind, moments that haven't yet been defined and I don't know if you could ever understand… These are the things I can't say when we're alone."
~ catalyst

---------------------------------------------

« Today's on fire with my Cherubic Blue »

Last Saturday...

Prologue
Nag-set ako ng 6:00 AM sa alarm clock ng cellphone ko. Nilagay ko sa level 5 yung volume at pinwesto ko sa malayo, sa itaas ng aparador para pag mag alarm, mataranta ako at hanapin kung saan nakalagay at pag nataranta ako, magigising na ako.

May usapan kasi kami ni Chelskiedoodleletskie na magkikita kami sa OLOPSC ng umaga. Sasamahan daw nya si Tita nya sa OLOPSC para mag-inquire dahil ihahanap nila ng bagong school si LA, brother dear ni Chelskiedoodleletskie.

Pero sa sobrang excited, hindi ko na napag-alarm ang cellphone ko dahil 5:30 AM pa lang, gising na ako. Ako pa ang gumising sa cellphone. Pero since maaga pa naman, humiga muna ako sa sofa at nanuod ng TV. Maya-maya kumilos na ako at nagpakulo ng tubig, bumili ng conditioner at bumili ng 3-in-1 coffee para kay daddy. Tapos nun, naligo na ako at pagkatapos ulit, tinext ko si Chelskiedoodleletskie dahil sabi nya, gigisingin nya ako pagkagising nya. Eh hindi pa sya nag-tetext, so ibig sabihin, tulog pa siya. Eh mag-e8:00 AM na. Kaya nagliwaliw muna ako at nag soundtrip sa kwerto. Maya-maya, nagtext ng 8:00 AM at sinabing kakagsing lang nya at 8:30 na sila aalis ng bahay. Ehehehe… oki lang, dahil ako, namomroblema din kung anong oras ko pupuntahan si Albert sa kanila. Pero sabi ko sige dadaanan ko nalnag muna si Maiko sa kanila.

Pagpunta ko kila Maiko, wala daw siya doon. Sabi ng nakausap ko (ewan ko kung sino yun, ayaw magpakita eh), nasa uncle daw nya. Tinanong ko kung saan. Doon daw sa baba ng Dao St. sa Red na gate. Pinuntahan ko ngayon, hinnap ko. May nakita akong malaking red na gate na nakabukas. Langhiya, andaming bahay sa loob!!! Di ko alam kung saan ako kakatok!!! Sinubukan kong pumasok pero sinalubong ako ng kulay brown na aso na tumatahol at tila may binabalak na masama. Kaya di na ako nag-atubiling bumalik para tawagin pa si Maiko at bumalik na rin ako sa may Baytree.

A Change of plan. Tinext ko si Chelskiedoodleletskie at sinabi kong dadaanan ko nalang siya sa kanila dahil dadaanan ko pa si Albert. Ayun, nilakad ko mula Baytree hanggang Meralco. Nakita ko pa nga yung van nila Chelskiedoodleletskie sa harap ng OLOPSC eh pero nagmamadali na ako kaya di ko na sila hinantay. Sinundo ko na si Albert sa kanila at pumunta sa 711 sa may sport center. Dun kasi ang meeting place namin nila Eisner at Arnold. Eh si Chelskiedoodleletskie, may iba pa silang pinuntahan kaya pinasunod ko na lang dun sa band studio, sakto dun rin naman ang daan ng van nila eh.

Ayun, nagkita-kita na kaming lahat doon sa Earthquake Band Studio. Unang paghaharap ng Step An Inch at White Trash. After tumugtog, nagpunta kami nila Hubert, Maiko, Edge, Jerson, Emerson, Chelskiedoodleletskie, at ako sa Sta. Lucia at Robinson’s Place. NILAKAD LANG NAMIN!!! Nasalubong pa namin si daddy ko… BWUHAHAHAH!!! Nahihiya pa nga ako eh… no comment… BUWHAHAHAH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! *wink*. Ayun, nilakad lang namin at grabe ang init. Nilakad namin hanggang Sta. Lu at Robinson’s. Wala lang, lakad lang. Parang pinatay lang namin yung oras… pagdating sa Robinson’s, tumambay sa food court at kumain kaming tatlo nila Maiko at Chelskiedoodleletskie. After naming kumain, nag-airhokey kmai ni Chelskiedoodleletskie at natalo ako. Andaya naman kai eh! Kinakamay yung puck… puck!!! Hehe… pero ok lang, enjoy naman eh.

Grabe, paunti kami nang paunti. Nagpaiwan kasi si Emerson at Edge sa food court nang papaalis na kami. Pupunta kasi kami kila Hubert at bibisitahin si Baby Ian, as in ChristIAN. Anak ni Hubert. At iyun, mga 1 hr lng kme dun dahil kelangan nang umuwi ni Chelskiedoodleletskie. Hinatid ko na siya sa kanila, or let’s say sumama ako dahil may kukunin akong mga CD. Tapos nag-laro pa kami ng Tekken 5 ni LA dahil pinilit ako ni Chelskiedoodleletskie na maglaro. Pero ok lang, saya din. 6:00 ako naka-alis sa kanila at tumungo kila albert. Pagpunta ko, nandon si Arnold at kumain kami at tapos, nagkwentuhan ng kung anu-ano bagay na di dapat marinig ng mga kabataang wala pa sa hustong gulang. Pero naka tulog ako sa kwentuhang iyon. Pagka gising ko, paalis na pala si Arnold at balak na akong iwan. Kaya tumayo kagad ako at nag-prepare na. Ayun, mga 10:something kami ualis doon at dumating sa bahay ng mga 11:00? Basta ganun. At sa wakas, natapos din. –END-

---------------------------------------------

2.4.05

« Something stickin' in my eye »

"When I look 'round, I only see outta one eye as the smoke surrounds my head, the sauna. I hear the voices, but I can't make out their words saying things, saying things that I got something sticking in my eye, got something sticking in my eye, got something sticking in my eye. I feel unusual from thinking about the underground decay, God help me kill beneath the camera, watch the world begin to cry. It's not from pity, it comes from what's been sticking in my eye, got something sticking in my eye."

Lagi na akong nagigising ng 6:00 AM dahil inaabangan ko yung pisteng commercial na yan. Dapat kami unang makakapanood nyan pero wala!!! (Teka, ano nga bang commercial yun???... wala, ehehe... wala pala yun... joke... hindi kami yun! *wink*)

Pagmulat ng aking mga mata, tumayo ako at kinuha ko yung T.V sa baba para dalhin sa kwarto ko. Halos hindi kumukurap ang mga mata ko dahil baka ma-miss ko yung commercial. Dumaan ang 3 oras, wala akong nakitang babaeng naka-bikini at bandang nag-shoshowband sa bar. Kaya pumunta na lang ako sa Harap ng PC ko at nag-soundtrip habang nag-tatype ng journal.

Mga bandang 11:something, nag-text si Chelskiedoodleletskie, kakagising lang daw nya at napanaginipan daw nya si Mr. Jeymz Duavit, adviser ko nung 2nd year higschool. Ewan ko bang panaginip yan? ang dami-daming pwedeng mapanaginipan, si Gadget Boy pa. Anyway, panaginip naman nya yun. hehe. Maya-mayang konti, may nararamdaman ako sa left eye ko. Parang sumasakit yung eyelid pag pinipikit ko. Pero sana wag naman sore-eyes 'to. Ampucha, ang hirap dumilat sa umaga pag may sore-eyes ka. Kelangan mo pang toothbrushin yung mga mata mo. Pero 'di ko pinansin yun at kaya naligo na ako.

Pagkaligo ko, pumunta ako ng Webzone at nag-internet ako ng walang humpay. Nang biglang nag-text si Chelskiedoodleletskie, badminton daw kami at may ipapaburn sya sa akin. Gusto nya kasing magkaroon ng kopya ng "Sessions @ Chelo's House" ng friend nyang may banda, si Rjay (nax, parang close na, di ko pa nga nakikita 'to eh). Kaya maya-maya, mga 3:00 PM, lumisan na ako sa Webzone at umuwi na. Pagdating ko sa bahay, walang tao at solo ko ang katahimikan. Kaya nag-patugtog ako ng malakas. Sinubukan kong tawagan si Chelskiedoodleletskie para i-confirm kung totoong niyayaya nya akong mag badminton. Kaso, nakailang dial ako pero busy ang linya, ginagamit yata (malamang, busy nga eh). Kaya tinext ko nalang sya gamit ang cellphone ko na may Smart's 25/8 Text Unlimited. Tinanong ko kung anong oras ako pupunta sa kanila para kunin yung mga recorded sound files ng "Session @ Chelo's House" at nag reply na "matutulog pa ako, 4:45 ka na pumunta". Kaya bumaba muna ako sa sala at humiga sa sofa at umidlip SANDALI dahil sayang naman ang oras. Eh mejo napasarap ang tuog ko at paggisng ko, tumingin kaagad sa cellphone at may massege si Chelskiedoodleletskie . Bigla kong naalala na 4:45 pala ako pinapapunta ni Chelskiedoodleletskie sa kanila. Pagtingin ko sa orasan 5:05 PM na. Kaya kumaripas ako ng takbo papuntang lababo at naghilamos.

Pagpunta ko sa kanila, ayun, nakita ko na sya at kung anu-ano ang pinag-gagawa sa harap ng PC. Kinauha ko na yung mga files na ipapaburn nya. Then, mga 7:00, umalis na ako at nagtungo sa Webzone. I-tetext nalang daw nya ako kung anong oras kami magbabadminton. Grabe, excited na ako.
Maya-maya, tumingin ako sa salamin dahil lalong sumasakit ang left eye ko. Pagtingin ko, parang lumalaki, parang.........waaaah, kuliti!!! pero hindi... hehe... hindi ito kuliti, at lalong hindi ito sore-eye. (sana). Nag-online na si Chelskiedoodleletskie sa YM at tinanong ko kung tuloy ba yung badminton. Sabi nya hindi daw tuloy dahil ayaw magpahiram ng tita nya ng badminton racket. Pero ok lang yun, magkikita pa naman kami bukas eh. The sun will come out tomorrow. -END-

---------------------------------------------