a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

« done and dead? »
« Decipher »
« Le Ching Tea House »
« Dream Rocks »
« a letter from nobody »
« Today's on fire with my Cherubic Blue »
« Something stickin' in my eye »

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

12.4.05

« Reel Ends @ the Gig »

April 9, araw ng gig namen. Hindi ko alam kong ano ang una kng gagawin. Naglinis muna ako ng kwarto tapos nag-rehearse ako sa kwarto ko. Nagmistulang underground concert ang kwarto ko nung mga oras na yun. Maya-maya, napaisip ako ako kung anong oras ko kaya kukunin kila Chelskiedoodleletskie yung Viewcam nya dahil kailangan ko para sa gig. Nang biglang, “too-toot, too-toot”, may nag message sa cellphone at nagtext si Chelskiedoodleletskie. Hahaha, sakto! Nabasa siguro ang isip ko, buwahahaha!!! Yun nga, tinatanong nya kung anong oras ko kukunin yung videocam. Sabi ko maya-maya. Ayun, naligo na ako at nagbihis. Mga around 2:00 yata umalis na ako. Then kinuha ko na yung cam tapos nag-stay na muna ako sa kanila ng, di ko na maalala yung oras eh. Wala ng panahon para tumingin sa orasan.

After kila Chelskiedoodleletskie, tumungo naman ako kila Albert para sunduin siya dahil tutugtog nga ang White Trash. Pagdating doon, ba’y akalain mong ayaw daw tumgtog ni Albert, hindi na daw nya trip tumugtog. Tinanong ko ang dahilan pero sabi nya, WALA lang, ayaw nya lang talaga. Anung klase yun?!! Akala ko, ok na. Nakailang pilit ako sa kanya pero ayaw pa rin talaga. Biglang uminit ang mukha ko, literal, at nababadtrip na ako. Sinubukan ko pa ring kausapin pero wala. Kaya naisipan ko nang umalis dahil wala na akong mapapala dito.

Dumerecho ako sa webzone na tila walang kilala at nakakulot ang noo at salubong ka kilay. Kaya pala ako dumerecho sa webzone ay para iwan ko na doon yung veiwcam ni Chelskiedoodleletskie. Hindi na ako nagtagal umalis din kaagad ako para mag bihis for our gig. Nakahanda na rin kasi sila hubert at inaantay na nila si Eisner. Pag-uwi ko, nagbihis na ako at bumalik sa webzone. Hinintay na namin si Eisner at ang van nya.

Pagdating ni Eisner ng mga 6:30, sinabi ko sa kanya na ayaw ngang tumugtog ni Albert at nag-iinarte. Gumawa ng paraan si Eisner at dadaanan daw namin si Albert. Edi yun na nga, pumunta kami ng parang pero wala daw doon si Albert. Pumunta daw kila Jed, schoolmate ni Albert sa CEU na taga-Strip 70 sa may Baytree. Kaya bumalik ulit kami sa strp 70 para hagilapin si Albert. Pagdating namin sa bahay nila Jed, Tinawag namin siya. Eh eksaktong parang may-padasal sa kanila. Kumakanta ng mga banal na kanta at tila walang naririnig sa mga sigaw namin ni Eisner. Naka-ilang tawag kami ng “JED!!!” at nakailang katok kami sa gate. Gasgas na ang gilid ng 25 centavo coin ko. Ngangalahati na yung bariya ko kaya naisipan kong laksan ang katok at sigaw. Ayan, narinig na nila yung sigaw ko. Hinanap ko si Jed at pinapunta kami sa kabilang pintuan. Pagpasok namin sa gate, napansin ko na may DOORBELL pala, nasa tabi lang ni Eisner. Taena, gisgas pa yung boses ko at yung 25 centavo coin ko may doorbell naman pala!!! Pinalabas namin si Albert at pinilit ni Eisner. Naka 10 minutes kami doon at maya-maya, nakumbinsi ni Eisner na sumama si Albert at iyun, sumakay na kami sa van. Dinaanan na rin namin si Arnold sa may barangka at iyun, tumungo na kami sa Timog Ave. Sa Branigans.

Hindi namin kabisado kung saan yung branigans kaya ng nasa Timog Ave. na kami, halos isang oras bago namin natunton yung nasabing bar. Akala namin, late na kami pero hindi pa pala nag-sastart.

White Trash na ang unang tumugtog dahil ibabalik din namin kaagad si Albert kung saan namin siya sinundo. Parang Hiniram lang namin siya or let’s say na in-abduct or kinidnap sandali. Ang Ransom, tumugtog ng anim na kanta. Hehehe. Ayun, anim na banda lang ang tumutog at pang huli ang Step an inch.

About sa Viewcam. Nakalimutan kong bumili ng Blank Video8 dahil paubos na yung latest na binili ko. Kaya hanggang White Trash lang ang nacover ng cam. Sinubukan namin ni Maiko na maghanap ng bukas na store na may V8. Binagtas namin ang kahabaan ng Timog Avenue. Madmai kaming nadaanan sikat na bar. Zirkoh, Laffline, Burger King… bar ba yun? Pero madami ng bar eh. Naka-abot kami sa kadulu-duluhan pero wala kaming nakita. Kaya bumalik na kami. Habang naglalakad pabalik, dumaan muna kami sa Burger King at umorder ako ng Whopper Jr. dahil gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na gutom na ako. Take-out na namin yung combo meal at kinain hanbang naglalakad. SARAP. Sarpa ng buger na nauusukan ng mga usok galing sa tambucho ng mga dumadaang sasakyan. Pero ok lang yun, masarap naman. Parang pina-usukang Whopper.

After ng gig, umuwi kami ng malumanay at kami ay nagcommute. Sila Hubert, Maiko at Queenie ay nag-taxi, Sossy! Ang naira, Ako, Jerson, Edge, Emerson, Kiko, Eboy, GF ni Eboy, Ewing, Dalawang guest ng Lifestory. Nag-jeep kami hanggang EDSA. Pagbaba sa may EDSA, binaybay namin ang EDSA papuntang GMA dahi doon ang labasna ng mga Bus. Sumakay na kami sa bus papuntang Cubao at hindi na ako nakapagbayad, hee hee hee! Pagdating sa Cubao, humiwalay na ako sa kanila dahil SSS Village ang sasakyan ko. Sila, Montalban. Mga isang oras akong naghintay sa ilalim ng madilim na kalangitan at nakakita rin ako ng Jeep na SSS. Ayun, nakauwi ako ng peaceful. –END-

---------------------------------------------