a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

2.4.05

« Something stickin' in my eye »

"When I look 'round, I only see outta one eye as the smoke surrounds my head, the sauna. I hear the voices, but I can't make out their words saying things, saying things that I got something sticking in my eye, got something sticking in my eye, got something sticking in my eye. I feel unusual from thinking about the underground decay, God help me kill beneath the camera, watch the world begin to cry. It's not from pity, it comes from what's been sticking in my eye, got something sticking in my eye."

Lagi na akong nagigising ng 6:00 AM dahil inaabangan ko yung pisteng commercial na yan. Dapat kami unang makakapanood nyan pero wala!!! (Teka, ano nga bang commercial yun???... wala, ehehe... wala pala yun... joke... hindi kami yun! *wink*)

Pagmulat ng aking mga mata, tumayo ako at kinuha ko yung T.V sa baba para dalhin sa kwarto ko. Halos hindi kumukurap ang mga mata ko dahil baka ma-miss ko yung commercial. Dumaan ang 3 oras, wala akong nakitang babaeng naka-bikini at bandang nag-shoshowband sa bar. Kaya pumunta na lang ako sa Harap ng PC ko at nag-soundtrip habang nag-tatype ng journal.

Mga bandang 11:something, nag-text si Chelskiedoodleletskie, kakagising lang daw nya at napanaginipan daw nya si Mr. Jeymz Duavit, adviser ko nung 2nd year higschool. Ewan ko bang panaginip yan? ang dami-daming pwedeng mapanaginipan, si Gadget Boy pa. Anyway, panaginip naman nya yun. hehe. Maya-mayang konti, may nararamdaman ako sa left eye ko. Parang sumasakit yung eyelid pag pinipikit ko. Pero sana wag naman sore-eyes 'to. Ampucha, ang hirap dumilat sa umaga pag may sore-eyes ka. Kelangan mo pang toothbrushin yung mga mata mo. Pero 'di ko pinansin yun at kaya naligo na ako.

Pagkaligo ko, pumunta ako ng Webzone at nag-internet ako ng walang humpay. Nang biglang nag-text si Chelskiedoodleletskie, badminton daw kami at may ipapaburn sya sa akin. Gusto nya kasing magkaroon ng kopya ng "Sessions @ Chelo's House" ng friend nyang may banda, si Rjay (nax, parang close na, di ko pa nga nakikita 'to eh). Kaya maya-maya, mga 3:00 PM, lumisan na ako sa Webzone at umuwi na. Pagdating ko sa bahay, walang tao at solo ko ang katahimikan. Kaya nag-patugtog ako ng malakas. Sinubukan kong tawagan si Chelskiedoodleletskie para i-confirm kung totoong niyayaya nya akong mag badminton. Kaso, nakailang dial ako pero busy ang linya, ginagamit yata (malamang, busy nga eh). Kaya tinext ko nalang sya gamit ang cellphone ko na may Smart's 25/8 Text Unlimited. Tinanong ko kung anong oras ako pupunta sa kanila para kunin yung mga recorded sound files ng "Session @ Chelo's House" at nag reply na "matutulog pa ako, 4:45 ka na pumunta". Kaya bumaba muna ako sa sala at humiga sa sofa at umidlip SANDALI dahil sayang naman ang oras. Eh mejo napasarap ang tuog ko at paggisng ko, tumingin kaagad sa cellphone at may massege si Chelskiedoodleletskie . Bigla kong naalala na 4:45 pala ako pinapapunta ni Chelskiedoodleletskie sa kanila. Pagtingin ko sa orasan 5:05 PM na. Kaya kumaripas ako ng takbo papuntang lababo at naghilamos.

Pagpunta ko sa kanila, ayun, nakita ko na sya at kung anu-ano ang pinag-gagawa sa harap ng PC. Kinauha ko na yung mga files na ipapaburn nya. Then, mga 7:00, umalis na ako at nagtungo sa Webzone. I-tetext nalang daw nya ako kung anong oras kami magbabadminton. Grabe, excited na ako.
Maya-maya, tumingin ako sa salamin dahil lalong sumasakit ang left eye ko. Pagtingin ko, parang lumalaki, parang.........waaaah, kuliti!!! pero hindi... hehe... hindi ito kuliti, at lalong hindi ito sore-eye. (sana). Nag-online na si Chelskiedoodleletskie sa YM at tinanong ko kung tuloy ba yung badminton. Sabi nya hindi daw tuloy dahil ayaw magpahiram ng tita nya ng badminton racket. Pero ok lang yun, magkikita pa naman kami bukas eh. The sun will come out tomorrow. -END-

---------------------------------------------