« Dream Rocks »
Nanaginip ako kagabi. Super fresh, naalala ko pa. Once in a blue moon lang 'to kaya isusulat ko na. Talagang astig eh. Di ko nga alam kung nightmare or sweetdreams... hindi... dream lang 'to. harhar.
Kasama ko daw sila Hubert at Maiko. Pumunta daw kami sa isang malaking Rock Concert at dumating kami doon, nasa kalahati na ng program. Ang lawak ng venue pero siksikan ang tao, sobrang dami talaga. Ang lawak at ang laki pa ng stage. May tumutugtog na banda pero hindi ko marecognize kung anong band o sinong yun. Pero kilala daw namin sila. Lahat ng tumutugtog, kailala namin. Hindi naman sila kasikatan. Puro nga underground eh. Walang mainstream. Nung tumugtog na daw yung next band, syempre siksikan ang tao, super compressed at puro talunan lang. Walang moshpit at nagsasakitan. Sumasabay sa beat ng tugtog ang ang bawat talon. Lahat ng audience may pakisama sa isa’t isa. May mga nakita akong humihiga sa mga tao, Nag-iislide silang nakahiga sa mga ulunan ng bawat manonood. Samahan mo pa ng moderate na ulan at kulimlim ng kalangitan. Mga ilaw na sa isang rock concert mo lang makikita. Grabe, eto ang gusto kong concert. Walang payabangan at walang papansin. Wala ring nandudukot ng kung anumang bagay na nasa bulsa. Sobrang enjoy daw kami sa nasabing concert. Sinubukan ko raw magpabuhat at umislide ng papahiga sa mga tao (hindi ko alam kung anong term ang ginagamit doon). Since supuer compressed at umuulan-ulan pa, super slide talaga ako at para lang akong gumagapang sa plywood. Ang sarap pala ng feeling ng nagpapabuhat. Naranasan ko rin kahit sa panaginip lang.
After tumugtog ng banda, nagkaroon ng break dahil sa ulan. Gumilid daw lahat ng tao at nabuksan ang gitna. Biglang may isang mamang pumunta sa gitna, staff yata ng nasabing rock concert, may dala-dalang malaking laser pointer. Ano naman kaya ang gagawin nito? Nangbiglang tinapat sa isang audience at tinira. May pa-contest pala ang producer na event. Parang war games na malaking laser pointer ang gamit. Dapat daw, wag kang magpapatama dahil pagmatamaan ka, hindi ka na qualified. Hindi ko laam kung ano ang premyo pero ang alam ko, nag punta kami sa backstage nun eh. Nakipagkita ako sa mga kilala kong banda (pero hindi ko naman talaga sila kilala). Ayun, kwentuhan daw hanggang sa matapos na yung rock concert.
After daw nun, Pumunta kami sa isang mini-grocery nila Hubert at Maiko. Bumili kami ng pagkain. Si Maiko, bumili ng roasted chiken. Si Hubert, bumili ng isang galon na ice cream at ako naman daw bumili ng tatlong family size na pizza. Ayun kumain kami hanggang sa mabusog at biglang may narinig daw akong tumatahol na aso. Ubod ng lakas at tila nakakayamot yung pagtahol. Nang biglang naputol ang panaginip ko at talagang palang may tumatahol na aso sa kapit bahay at sobrang ingay. Dun ako nagising. Bad trip na aso yan. Pagkagising ko, hindi ko laam kung saan ko nakuha ito, kung saan ako na-LSS nito, pero tumutugtog sa isip ko yung KLSP ng Spongecola. Wala naman akong naaalala na nakinig ako ng KLSP ah… pero bat ganun? -END-

---------------------------------------------
<< Home