« Eupee Trip »
"First time ko lang magpunta sa UP. Kasama ko si Hubert. Sya naman, second time na, pero nung unang panahon pa ang kanyang huling punta. Kaya huhulaan nalang namin ang daan papunta sa UP."
Japanese Sweet Corn
Nag FX kami… Adventure pala, hanggang katipunan then jeep hanggang UP. Nakadaan nanaman ako ng katipunan ave. Habang bumibyahe, lampas sampu ang nakita kong signboard na may nakasulat ng “Japanese Sweet Corn, May Luto”. Biglang nag-pop sa utak ko, “bat ang hilig nila magbenta ng Japanese sweetcorn?”. Dahil isipin mo, isa lang ang binebenta nila pero halos every 50 meters may nag bebenta ng ganun. Eto pa, saan nila nakuha yung Japanese sweetcorn? Alam kong galing Japan pero paano nila nakuha? Galing ba sila doon? At bakit pa kelangang pare-pareho ang sign board? At bat pa kailangan may “May Luto”. Eh Basta, ang gugulo nila, walang sariling originality.

The State University
Kalimutan na natin ang “Japanese Sweet Corn, May Luto” na yan. Papasok na kami sa teritoryo ng mga aktibista. Sa lugar kung saan laganap ang Fraternity at Sorority; Sa lugar kung saan mo makikita ang estatua ng lalaking naka-dipa at walang saplot; Sa lugar kung saan shinoot ni Karel Marquez ang kanyang commercial; Kung saan every year may isang lupon ng kalalakihang tila mga ninja na nagtatakbuhan ng naka-hubo; The State University, ang Unibersidad ng Pilipinas or kilala sa tawag na UP Diliman. Grabe first time ko lang makaapak sa UP. Kaya pag pasok na pagpasok ng jeep na sinasakyan namin ni Hubert sa vicinity ng UP, halos mamilipit ang leeg namin sa kakalingon dito, lingon doon. Kaya sabi ko kay Hubert na bumaba na kami at i-explore ang buong campus habang hinahanap namin ang Abelardo Hall. Nagsimula na kaming mag lakad. Namangha ako nang makita ko ang malawak na Sunken Garden at parang gusto kong magtatakbo sa malawak sa damuhan at magdive una ang dibdib sabay dudulas. Pero, ano ako sira? Naglakad na lang kami nang naglakad. Maya-maya, nakaramdam na kami ng uhaw at tamang-tama, may isang maliit na tindahan at bumili si Hubert ng C2 at ako naman may nakita akong bagong inumin. Siyempre, na-curious nanaman ako kung ano ang lasa nun. Kulay pulang softdrinks sa may title na “Pepsi Fire”. Taena, pangalan palan mapapabili ka talaga. Nangiinumin ko na, hindi ko maintindihan ang lasa. Parang Mountain Dew Code Red na… Juice? Basta… May ka-tandem pala yun, “Pepsi Ice”, kulay blue naman yun, pero di ko na binili dahil alam kong lasang “Pepsi Blue” yon, iniba lang ng pangalan. Limited Edition daw yun eh, nakalagay sa label. Anyway, nagsimula na kaming maglakad habang iniinom ang mga nabili namin. Habang nag lalakad, nagdesisyon na kami na hanapin na namin ang aming pakay. Naglibut-libot kami hanggang makarating sa liblib na lugar. Taena, naliligaw na kami. Hindi namin makita ang Abelardo Hall. Naghanap kami ng ermitanyo para ituro ang daan. But instead, nakakita kami ng mamang naka-orange na kamukha ng isang character sa “Pupung”. Tinuro nya ang daan at sabi nya, banda doon daw. Di ko matukoy kung saan yung tinuturo nya pero sabi nya diretcho lang kami. Kaya sinundan namin yung direksyon kung saan nakaturo ang kanyang hintuturo. Lumakad ulit kami at di ko napansin na nadaanan pala namin ang rebulto ng mamang naka-bold at naka-dipa. Maya-maya, nakita na namin ang hinahanap naming building ang Abelardo Hall. Nasa tabi lang pala ng “Qwek-qwekan, Fishbolan, C2han at iba pa” kaya kumain muna ako ng qwek-qwek bago pumasok. Masustansya at malinamnam ang qwek-qwek ni manong, maalat-alat ang kulay orange. After kong kumain, pumasok na kami saloob. Nagtanong kami sa mabait ng security guard kung saan ang admision/administration office. Sabi nya, dun daw sa loob, pangatlong building na may kulay green na bubong. Hinanap namin yun at bingo! Nakita namin! Tinanong na ni Hubert sa office ang kanyang pakay. Pero nanghina si Hubert nang masagap ang balitang tapos na ang nasabing pakulo ng school at next year pa sya makakapasok. Kaya bumalik na kami sa labas at naglakad sa abot ng aming makakaya at kung saan kami dalhin ng aming mga paa.
Ang dami naming nakita sa paglalakad. May mga Extreme Mountain Bikers, mga taong parang nag-pipicnic sa damuhan, Mga Nag-jojogging at nag-wowalkathon, mga nag-tetenis, mga wathatoom at mga nuno sa punso. Maya-maya, naisipan na naming hanapin ang exit at uuwi na kami. Pero habang naglalakad, napunta ulit kami sa mga lugar na nadaanan na namin. Nakita ulit namin ang mga nag-tetenis. Sabi ko, baliktarin na namin ang aming mga t-sert at baka pinaglalaruan kami ng dwende. May naisip si Hubert… may pinsan daw sya doon at makikipagkita nalang daw kami para may kasabay kami palabas. Ayun naghanap kami ng pay phone para macontact na ang kanyang pinsan. Napadpad kami sa Ipil Residence Hall at doon kami nakahanap ng Phone Booth. Tinawagan na namin ang pinsan nya at nakipag kita sa tapat ng Ipil Residence Hall. Langya, dun lang pala sa katabing dorm yung pinsan nya!!! Kaya ayun, naglakad kami papuntang sakayan at nag-abang ng jeep papuntang tulay sa katipunan at pagdting doon, nag-FX ulit kami hanggang webzone at para akong nabuhusan ng isang bote ng Elmer’s Glue sa lagkit ng aking balat sa pawis at init. Pero, hindi pa ako umuwi non. Nag-internet nalang ako hanggang 12:30 AM. –END-

---------------------------------------------
<< Home