« Fête de la Musique »
150 bands. 10 genres. 7 stages. One night.
Nalaman ko ang tungkol dun sa malaking gathering na yon sa isang friend at dating schoolmate na si Nicole Pinto (thanks nicx!) dahil tutugtog daw ang kanyang friends na Up Dharma Down. Sabi nya sakin na madami daw tutugtog. Iba-ibang stage per genre. Kaya ako nama’y namangha sa kanyang mga pinagsasabi sa YM kaya nama’y ibinalita ko sa aking mga barkada (Webzone Chapter) at nagpasya na pumunta sa fete-fete na yan.
June 18, Saturday @ 4:30 PM. Nagtipon kaming apat: Ako, Tejal, Solomon at Maiko sa Highlights Studio sa may Baytree. Nag-taxi kaming apat papuntang Ortigas Center. Bumaba kami sa tapat ng A.I.C. Gold Tower, sa condo nila Hubert para sunduin sya. Nagmistulan kaming mga artistahin dahil sa tapat pa talaga kami ng building pumara na parang may mga unit kami dun. Hinintay namin lang namin syang bumaba at kami’y nagbagtas na papuntang Fete dela Musique. Pagdating namin sa The Podium (where all the coñios are chillin’ yo yo yo!), di pa namin feel ang tugtugan dahil… wala lang, di pa namin feel. So we decided to walk… and walk and walk, until our feet reached SM Megamall. Nakita rin namin ang ibang stage sa El Pueblo area habang naglalakad. Pero, sa Megamall talaga kami dinala ng aming mga paa dahil gusto naming magpalamig sa ercon ng Megamall at magpatuyo ng pawis dahil para na kaming sumabak sa Moshpit sa nangyari sa amin.
After ng ilang oras, lumabas na kami ng Megamall at whew, ang sarap ng feeling… nung nasa loob kami. Pero paglabas, bumalik sa init at mejo nagdidilim na ang paligid. Kelangan naming makapunta sa “Rock” venue ng Fete pero, ala kaming alam kung nasan. Dapat pala pinrint namin yung announcement sa friendster. Pero huli na. Tinext nalang ni Hubert ang isa naming friend at pina-check sa friendster kung saan ang “Rock” Stage. Habang naghihintay ng reply, pumunta na muna kami sa venue ng Alternative sa The Podium (where all the coñios are chillin’ yo yo yo!). Naghintay kami ng ilang sandali at nag text back na. El Pueblo, beside Rack’s daw. Then we went to El Pueblo. May nadaanan kaming stage which is the World/Reggae/ska stage. Pucha, may mga Arabong naka turban na bukod sa 5-6, payong at DIBIDI, suma-sideline din sa pagtugtog sa entablado. Anyway, at last at natagpuan din namin ang Rock Scene at nadatnan namin ang Cog na tumutugtog. Ayus, ang galing. Sumunod ang Energetic na Boy Elroy then next ang pinagbabato ng mga “punk-kuno posers na may bitbit na bandila na para saan naman kaya iyon at alam kong pilipino sila bat pa nila kelangang magdala ng Philippine Flag at black katipunan flag na may ‘K’ and bungo seal” na Dicta License. Di na namin tinapos yung pinagbabato ng mga “punk-kuno posers na may bitbit na bandila na para saan naman kaya iyon at alam kong pilipino sila bat pa nila kelangang magdala ng Philippine Flag at black katipunan flag na may ‘K’ and bungo seal” na Dicta License dahil nakakaawa lang silang panoorin. Kaya pumunta muna kaming Ministop at kumain ng dinner.
After nun, nagikot-ikot muna kami sa kung saan-saan at nilibot ang loob ng El Pueblo at samu’t saring tao ang mga nadaanan namin. Siksikan at traffic. Kulang na lang banner at megaphone, rally na! Yun na lang ang kulang dahil may mga bandila na nga eh. Baglabas namin sa ng El Pueblo, Pumunta kami sa dati naming pwesto. Sa sidestage ng Rock Stage. Doon, hinantay namin ang next na tutugtog. Naku, sila Kuya Raymond na pala ang tutugtog, Sandwich. Nabuhayan ang mga tao at nagsisisigaw dahil nga “sikat” na ang tutugtog. Masyadong maligalig ang mga audience. Pati ako napapakanta na rin. Ang iba, nagsisi-akyatan na sa stage at nag i-stage dive na. Ang iba nasasalo. Ang iba naman walang sumalo. Wawa naman. May iba naman umaakyat sa mga amplifiers at speakers. Meron nga kaming namataan umakyat sa speaker malapit sa amin. Ewan ko kung anong na-batak nun at naka-shades pa at nasasasayaw sa ibabaw ng speaker sa ilalim ng madilim na gabi. Pero dumating si Manong at tinaboy si Jurior.
Tapos nang tumugtog ang Sandwich. Pero, naku, bat patay na ang ilaw? Teka, hindi na ba itutuloy? Hinde, baka naghahanda lang sa susunod na banda. Kaya nag-antay lang kame. For the mean time, umupo muna kami sa curb at nag sight-seeing. Mapa-Alas Dos, Alas Tres, Alas Dose, Alas Sais… nandun sila… hehehe, ano ba tong pinagsasabi ko??? Well, kami lang nakaka-alam nun… pero namaga yata ang mata ko at namilipit ang mga leeg. Dami kasing chiX!!! My Golly!!! Kahit san ka lumingon, ang daming “boy crazy”. Mamayang konti, Napadaan si Nikki at binati namin. Pero saglit lang yun dahil nagmamadali yata sila ng mga kasama nya.
Mukahang hindi na yata itutuloy ang tugtuggan ah. Pero sayang ang paghihintay namin. Kaya umalis na muna kami at pumunta sandali sa Alternative Scene. At maya-maya pa, naramdaman na namin ang pagod at tumawag na ng taxi at umuwi na.
12:00, sharp, nakatungtong ako ng aking pamamahay. –END-
---------------------------------------------
<< Home