a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

« Me, Drowned »
« The Night Life »
« I missed the oval »
« I bestowed my blood »
« Impaired Dive »
« A Good Samaritan »
« Eupee Trip »
« Cheek to cheek »
« it's in my control »
« Dreamin' for a dream »

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

30.5.05

« a typical ego»

Mataas ang araw at mayabang na namumudmod ng nakakasunog na init kaya nag-unahan na sa paglakad ang mga paa ni Tong. Ngunit sa kabila ng pagmamadali ay bigla rin s’yang napatigil sa gilid ng malaking pulang bato sa tabi ng dagat.

Tinitigan n’ya ang kakaibang bato na may halong pagkamangha. Hindi nakuntento, inikot n’ya ang paligid nito upang higit pang makilatis. Pinakinggan, inamoy-amoy, pinisil-pisil, pinindot-pindot, at hinimas-himas. Nang mapansing wala naman palang kakaiba sa nasabing bato ay lumingon si Tong sa kaliwa…at sa kanan…bago pasimpleng umihi sa gilid nito habang sumisipol. Laking gulat n’ya na lamang sa mga sandaling ‘yon nang magsalita ang malaking bato.

“SYIIIT!!!” napalundag si Tong sa sobrang takot. “LOBSTER…’KAW BA ‘YAN?!?”

“Sino akala mo?” sagot ng kausap na sitting pretty sa batuhan. “At hindi ako si ‘lobster’, ako si Ulang! Kelan ka pa naging inglisero…hellooo?...Duh??? Saan mo nakuha ‘yang pa-‘syit’-‘syit’ mo e dati ‘nanaykupu’ lang ang sigaw mo pag nagugulat ka?”

Pero hindi sya sinagot ng mapanghing talangka na abalang-abala sa pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan – Naks, dalampasigan! Anlalim ng Tagalog.

“Ano bang ginagawa mo sa gilid ng bato ko?” muling nagtanong si Ulang upang hindi s’ya masapawan ng narrator.

Sumagot si Tong habang naghahanap ng masisilungan. “Ikaw, anong ginagawa mo sa ibabaw ng bato sa ilalim ng nagliliyab na araw?”

“Wala.” Sagot ni Ulang

“Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?”

“Meron.”

“Ito ang pinagkakaabalahan ko. Gumagawa ako ng wala.”

“Wala kang ginagawa?”

“Hindi. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”

Lalong napakunot ng noo si Tong. “Anong pinagkaiba noon?”

Itinuro ni Ulang ang malawak na kapaligiran. “’Yan ang wala. ‘Yan ang ginagawa ko. Gumagawa ako ng wala.”

“Paano ‘yun?” tanong ng nalalabuang talangka. “Paano mo malalaman kung tapos mo nang gawing ang wala?”

“Kapag gumawa na ako ng meron.”

“Pero hindi mo naman nakikita ang ginagawa mo, diba?” patuloy pa rin sa paghahanap ng masisilungan si Tong.

“Dahil nga ang ginagawa ko sa ngayon ay wala. Sa katunayan, lahat ‘yang pinagmamasdan mo ngayon ay pinagpaguran ko.”

Tinitigan ni Tong ang kawalan. “Andami mo na palang nagawa!”

“Totoo ‘yan,” sagot ng kausap. “Pero sandali, hindi mo pa rin sinasagot ang katanungan ko. Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?” muling tanong ni Ulang na animo’y manhid sa init ng araw.

Hinahanap ko sina Manok at Pagong,” sagot ni Tong.

“Bakit?” tanong ni Ulang.

“Ibibigay ko kasi sa kanila itong mga itlog na dala ko,” sagot ni Tong.

“Bakit?” tanong ni Ulang.

“Para masabi nila sa akin kung saan sa gubat makukuha ang puso ng saging,” sagot ni Tong.

“Bakit?” tanong ni Ulang.

“Para ibigay sa ama kong hari,” sagot ni Tong.

“Bakit?” alam mo na kung sino’ng nagtanong.

“Dahil may sakit ang ama ko at kailangan n’ya ang puso ng saging upang gumaling!” alam mo na rin kung sino’ng sumagot.

Isang oras.

Dalawang oras.

Tatlong oras.

“Ahhh!” naliwanagan din si Ulang, sa wakas. “Mahirap ‘yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring mangyayari.”

“Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala,” marahang paliwanag ni Tong.

“Hindi ka ba napapagodgumawa ng meron?” tanong ni Ulang.

“Hindi ka ba napapagod gumawa ng wala?” tanong ni Tong.

“Napapagod,” sagot ni Ulang. “Wala na nga akong pahinga eh!”

“Ba’t ginagawa mo pa rin?”

“Dahil ito ang tungkulin ko dito.”

“Tungkulin?” pagtataka ni Tong. “Kanino? Sino’ng nagbigay sa’yo ng tungkulin na ‘yan?”

“Ang mga hayop sa gubat.”

“Huh? Anong nakukuha nila sa wala?”

“Hindi ko alam, pero binabayaran nila ako ng pilak para gumawa ng wala. Kung gusto mo, kahit dalawang pilak lang ang kapalit ay igagawa kita ng sarili mong wala.”

“Huh? Salamat na lang, pero wala akong pilak, at hindi ko rin kailangan sa ngayon ang wala.”

“Sige, bahala ka.”

Hindi na natiis ni Tong ang sikat ng araw. Sandali s’yang naglublob sa tubig upang malamigan. “Masyado nang mainit ang araw, Ulang. Hindi ka ba babalik sa dagat?”

“ang pagbalik sa dagat ay paggawa ng meron. Hindi ako gumagawa ng ganoon”

“Pero masusunog ka init ng araw. Paano ka ba napunta d’yan ngayon sa pwesto mo?”

“Hindi ko nga alam e. Tinangay yata ako ng malakas na alon kagabi.”

“Huh?! Kelan mo balak bumalik sa tubig?”

“Babalik din ako. Hinihintay ko lang ulit ang alan.”

“Pero kung hindi dumating ang alon?”

SWOOOOOOSH.

Halos hindi pa tapos magsalita si Tong ay inanod na ng alon si Ulang pabalik sa karagatan. Nakahinga rin nang maluwag ang talangka at nagpatuloy na sa paglalakad patungong timog. Mga bandang GMA 7. -END-


~An excerpt from Bob Ong's "Ang Alamat ng Gubat"

---------------------------------------------