a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

« Eupee Trip »
« Cheek to cheek »
« it's in my control »
« Dreamin' for a dream »
« If i? »
« Reel Ends @ the Gig »
« done and dead? »
« Decipher »
« Le Ching Tea House »
« Dream Rocks »

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

12.5.05

« A Good Samaritan »

My goodness! Ngayon ko lang naisipang mag-type ulit dito sa blog na ‘to. Tinatamad kasi akong gumawa ng entry dahil nakakatamad ang temperatura natin ngayon. Madami na ring nangyari... but I’m telling you, none of them are special. Well, masaya ang naging bakasyon ka sa Samar. Ang daming trip, Playstation 2, Internet, Pag-momotor, Swimming, Buko, Mangga, Fiesta, Piggy massacre, etc… simulan ko na lang kayang i-kwento. Mahaba-haba ‘to so let's begin:

Day 1: The Departure

10:00 a.m. kami umalis dito sa marikina para pumunta sa terminal ng bus sa Cubao, sa tabi ng Ali-mall. Pagdating doon bilang chance passenger, naghanap si Daddy ng bus na dadaan or papuntang Calbayog City, Samar. Habang naghahanap sya, pumunta muna ako sa loob ng Ali-mall para magpalamig at para bumili na rin ng baon at “Bagong Wallet”. Kelangan ko na kasing palitan ang wallet ko. I’m sick of the color, it looks dull already and madumi na sya. Kaya ayun, bumili ako ng 4 na malalaking C2 at bagong wallet. Paglabas ko, may bus na kaming sasakyan, kaya uminom na ako ng Bonamine kaagad dahil after 1 hr pa aalis ang bus.

1:30, umalis na ang bus at hinanda ko na ang unan ko at nagsimula nang magnakaw ng tulog dahil ayokong mahilo at musaka nanaman sa biyahe.

Maya-maya, nasa Quezon area na kami. May isang accidente kaming nadaanan. Grabe, nakakita ako na nakadapang tao at labas ang kanyang ‘Tibia’, yung buto sa binti. Taena, nakakita nanaman ako ng patay na tao. Huling kita ko nung unang panahon pa nung akong musmos palang at wala pang ulirat.

Day 2: Still on the road

Kasalukuyan pa rin kaming bumibyahe, walang magandang nangyari kaya fast forward na.

Dumating kami sa Calbayog City ng mga 5:30 – 6:00 A.M. at sobrang aga. Pagdating doon, kumain kami at naghanap ng matutuluyan. Nung may matuutluyan na kami, umupo sandali sa sofa at sahalip na matulog, nilabas ko yung Playstation ko sa bag at naglaro kami ng pinsan ko. Honga pala, bisperas ng fiesta kaya busy ang iba sa paggawa ng handa para bukas.

Maya-maya, naghanap ako ng Computer Shop dahil gusto kong mag-internet. Nagmotor kami at pumunta sa kabayanan at nakakita kami ng Shop. Grabe 15 pesos lang ang 1hr, LCD monitor, DSL ang internet connection. San ka pa!

Day 3: Pista Rolls for Pitsa Rolls

May 1, 2005 na at araw na ng pista. Maaga akong nagising dahil sa iyak ng baboy. Mabilis akong bumangon at lumabas ng bahay dahil gusto kong tumulong sa pagkatay ng BABOY! Ayun, tumulong ako at wow, I love the blood, hehehehe!!! Gore!!! ^(oo)^

Nagisip ako kung anong magandang gawin. Naisip ko na gumawa ng Pizza Roll. Kaya nagpahatid ako sa pinsan ko sa kabayanan at bumili ng ingredients (thanks to Jamil for this recipe).

Habang ang iba ay nagdadatingan at nagkakainan, kami naman ay abala sa paggawa ng pizza roll. At sabay kinain na namin nung natapos. Sarap!

Nag-internet ako sa kabayanan.

Day 4: Life’s a Beach

Naging tradisyon na doon sa amin na after ng fiesta, nagpupunta kami sa Beach. Kaya asahan mo, mayang gabi, nog-nog na ako. Ayun, nagswimming lang kami, natural! At unang swimming ko this summer. Pero mas-gusto ko sa swmming pool.

Nag-internet ako sa kabayanan.

Day 5: Make yourself at Home

Maghapon lang kaming nag playstation.

Magdidilim na at naisipan naming mag-stroll gamit ang motor. Habang bumibyahe kami at malayo na sa bahay namin, sa isang madilim na spot dahil walang poste, tumirik ang motor dahil naubusan ng gasolina. Tinext namin ung isa naming pinsan na may-ari ng motor. Ayun, bumili sila ng gas gamit ang bike na may sidecar ng mamang mabait.

After malagyan ng gas, nag-ikot-ikot kami sa buong kabayanan. Tapos nag travel kami ng mala-Taft hanggang Cubao, isang derechong pagkahaba-haba, para pumunta sa Airport at magmotor sa run way ng mga eroplano. Wala namang naka schedule na maglalanding doon eh. Kaya ok lang na pumunta doon. Grabe, sa lawak ng runway, walang pipigil sa aming magpreno. Umabot sa 90Kmph ang bilis ng motor. Teminal Velocity. Umaalon ang pisngi ko at maluha-luha ang mata ko, hindi sa takot, kundi sa hangin na dumadampi sa mga mata ko. At Eto pa, WALA KAMING SUOT HELMET! Legal ang walang helmet doon.

Nag-internet ako sa kabayanan.

Day 6: Same old shit

Wala lang.

Hindi na ako nag-internet, wala namang akong napapala. o_O;

Day 7: Buckle-up!

Kukuha dapat kami ng buko sa kakahuyan. Kaso, walang aakyat sa puno. Kaya nagpraktis nalang ako mag motor. Ayus, mejo kabado pa. kaya tumigil na ako, baka sumemplang. Hehe.

Gumawa ulit ako ng Pizza Roll, this time, madami nang quick-melt cheese sa isang roll, yum!

Day 8: Star Buko

Dapat ngayon ang alis namin pauwi sa Marikina kaso, humirit pa ako at parang ayaw ko nang bumalik pa. Nakakatamad kasing bumiyahe eh. Kaya nanguha nalang kami ng buko at mangga. This time, may aakyat na rin. Madami kaming naharvest na Buko at mga Indian Manggo at Napaandar ko rin ang motor na ako lang mag-isa. Pero maya-maya, umulan habang ako’y nag-eenjoy. Kaya time out muna.

Umuwi na kami, mejo magdidilim na rin un. Ginawa na nila yung buko juice na pagkarami-rami. Grabe busog kaming lahat.

Day 9: Th Departure II

Ngayon na angitinakdang araw na pag-alis namin papuntang Marikina. Aalis na kami, pero ayaw ko pa. Ayaw ko nang bumalik, hehehe, nakakatamad. Pero wala, kailan eh.

11:00 daw kami dadaanan ng bus na sasakyan namin. Kasabay din namin ang isa kong pinsan papuntang Marikina. Hanbang naghihintay, nag-timpla muna ng Orange-tanduay ang Tita ko at mga pinsan ko. Bago umalis shot muna. Uminom din ako, at yun ang unang alcohol na naminom ko sa buong bakasyon sa samar. Maya-maya, for the last time, hiniram ko yung susi ng motor at nag-motor ako ulit. Na-adik. Last na yun, pagdating ko sa Marikina, wala na akong masasakyan na ganun. Pwede ko ring makalimutan ang pinag-aralan ko sa pagmomotor. Kaya, lulubus-lubusin ko na.

Day 10: Goodbye Alaska, Hello Sahara.

Pain in the ass talaga bumyahe. Pero bumti na lang, hindi na ako nahilo at nasuka. Nag-stop over kami sa Sariaya, Quezon. Bumili ako ng mga pampasalubong sa mga friends.

8:45 kami naka-uwi ng bahay at pucha, ang init. Tane-ina, sana di nalang ako umuwi at nagpaiwan nalang ako. Buti pa doon, malamig-lamig ng konti. Dito, taena! mistulang sahara desert. –END-

---------------------------------------------