a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

« The Night Life »
« I missed the oval »
« I bestowed my blood »
« Impaired Dive »
« A Good Samaritan »
« Eupee Trip »
« Cheek to cheek »
« it's in my control »
« Dreamin' for a dream »
« If i? »

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

29.5.05

« Me, Drowned »

I want to mark my calendar. May 26, the worst day of my May. Minsan lang ako magplano, nasira pa. This is one hell of a One Bad Trip. Ang dami na talagang nahuhuli ng Cowboys. Mga lahing Mohicans.

Nag-set kami ni Chelo ng swimming na matagal ko nang pinapangarap at pinaplano. Yung tipong kasama ang mga superfriends ko at ang superfriend kong ‘yon. Sabi ko, Wednesday, kaso na-usog ng Thursday for some reasons and then pinalipat ni Chelo ng Friday, pinasabi daw ni Precious. Edi ok, all set na. Friday, May 27, 2005. Nag-assume ako na 12 ang kasama. Bilang na bilang ko na. Nagisip na kami ng mga dadalhin at kakainin.

"Habang papalapit ang date, paunti nang paunti ang 12. naiintindihan ko naman sila kaya ok lang"

Bago mag Friday, sa bahay natulog si Hubert pero hindi sya makakasaman. Well, naiintindihan ko ang kalagayan mo pare. Naghanda na ako ng dadalhin. Excited. Super. Nag-eexpect na super saya nitong swimming na ito. Masmasaya pa sa huling swimming ko. 1:00 PM kami naka puntang Webzone ni Hebert. Sya kasi ang magbabantay. After a few minutes, dumating ang boss, inutusan ako para magbayad ng kung ano sa banko. Edi pumayag naman ‘tong si masunurin. Nang paalis na ako, nakatanggap ako ng message sa fone from Chelo. Nandun na daw si Prex sa kanila at pumunta na daw ako. Eh di naman ako makapunta pa dahil inutusan nga ako, kaya pinatawag ko nalang kay Maiko at pinasabi ko na sandali lang. Pagdating sa banko, kumuha ako ng number. Nakuha ko, number 81. Hinanap ko yung board kung nasa number na sila. Nagulat ako nang makita kong number 52 palang. Tangina naman. Sabi ko sa sarili ko. after a few minutes, nag text si Chelo, una nalang daw sila sa Webzone. eh, wala na akong magagawa, na-stuck na ako sa loob ng banko. Naisip ko na magdadala pala ng Icebox/cooler yun dalawang yun, kaya napa-“DOH!>.<” nalang ako sa sarili ko.

Sa wakas tapos na, kumaripas ako ng takbo sa abangan ng jeep at tumungo ng Webzone. Ayun, nandun na sila Chelo at Prex at si Tejal. Wala pa si Eje. Sabi nya, mga 2PM daw punta sya ng Webzone pero wala par in siya nung mga oras na yun. Tinawag ko sa bahay at nalaman ko na nasa Laguna daw si Eje. Napapikit na lang at bumuntong hininga. Sila Gilbert at Jonn na umoo din, 5PM pa makakabalik. Wala pa rin. Eh hanggang 7 lang sila Chelo at Prex kaya before 3:00, umalis na kami. 5 na lang kaming nagpunta sa aming “Last Resort”.

Time to dip. Masaya ako. Masaya ako dahil nakasama ko sa swimming si superfriend ko at ibang superfriends. Pero kualng kasi kami. Alam mo yung feeling na pagkulang, hindi ka masyado nag-eenjoy. Kumbaga sa pelikula, kulang ng cast. Wala clown, walang maingay, walang tomador. Basta, kulang nanaman. Hindi ako masyado nag-eenjoy. Napansin ko din sa dalawang gals, hindi rin sila nag-eenjoy. Nahihiya ako na ako sa kanila kaya medyo tahimik na ako. Wala din kaming masyadong foods dahil wala pa yung sinabihan ko at mukhang hindi na sila makakarating. Kaya bumili nalang kami ng chichiriya para naman may pambara sa dinala nila Prex at Chelo. Andami nga nilang dinalang softdrinks dahil expected din nila na madami kami.

Hindi na rin kami nagtagal dun sa resort dahil 6:00 pa lang, umuwi na kami. Kelangan na rin daw ni Chelo na umuwi. Kaya ayon… *buntung-hininga* parang walang nangyari. Sayang ang binayad namin sa cottage. Sana sa ilalim nalang kami ng puno.

Sakto, pag-andar ng tryk na sinasakyan namin, umulan ng malakas. Kaya dagdag pa yun. Pagdating ng bay-tree, tumuloy na rin sila Prex at Chelo dahil ang lakas na ng ulan.

Nagiguilty ako, nahihiya ako, nadisappoint ako at feeling ko lahat ng kamay ng tao sa Pilipinas sakin naka-turo. Hiya ako kay Chelo lalo na kay Prex na galing pa ng Antipolo. Alam kong hindi kayo nag-enjoy at 'wag nyu nang ipagkaila dahil kita sa mga pagmumukha nyo noh! Pero byaan nyo, PROMISE ‘to, ‘pag may magandang opportunity… BABAWI AKO!!! Hindi pwedeng hinde. Kung hindi man sa swimming, sa ibang trip na lang. OKAY? I promise you that! ^_^’ –END-

---------------------------------------------