a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

« Man Inside the Box »
« Xian xian »
« Fête de la Musique »
« You're so last summer »
« When you turn it »
« a typical ego»
« Me, Drowned »
« The Night Life »
« I missed the oval »
« I bestowed my blood »

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

14.7.05

« Unhanded Chain »

July 12 2005, 12:00 AM

Kakatapos pa lang ng praktis ng Vermis sa bahay nila Solomon. Nagpack-up na and ready to go home na. Dumaan na ako sa dati kong route. Then pagdating ko sa gate namin, naka-kalang lang ang padlock at hindi pa naka-lock. So pumasok na ako at ni-lock ko na ang gate. habang naglalakad papuntang pinto, kinapa ko na ang keychain ko sa bag. Kapa ako nang kapa pero wala naman akong maramdaman. Hindi ko pala nadala ang keychain ko. Nandoon pa naman ang susi sa pinto at susi sa gate. Pero 'di ako nag-alala at inakalang gising pa si daddy sa sala at nanunood ng TV. Naglakad na ako hanggang sa natanaw ko ang pinto. Hala, walang tao. Nakapatay ang ilaw at syempre, naka-lock ang pintuan. habang tumatahol ang aking aso na si "Chu-le" sa loob ng bahay na gumagawa ng grabeng ingay. Patay din ang ilaw sa labas kaya sobrang dilim ng paligid. Naku pano kaya ako makapasok nito. Naisip ko na baka nasa kapit-bahay siguo si daddy. Kadalasan kasi, mga ganitong oras, nasa kapit-bahay ang daddy ko at nakikipaglaro ng tong-it. Sobrang dilim na ng paligid, napakatahimik. Tulog na ang ibang tao. Pumunta ako sa may garahe para tanawin sa kapit-bahay si daddy. Pero di ko sya makita dahil may mataas ang pader sa pinaglalaruan nila. Nakagawa lang ako ng ingay, nagtahulan kasi ang mga aso at nakakahiya sa kapit bahay. Hindi naman ako maka-sigay ng "daaddyyy!!!" dahil napakalayo ng kapitbahay ng yon. Naapagitnaan kami ng isang bahay. Naisip ko na puntahan ko kaya. Pero naalala ko na naka-lock na pala ang gate dahil nga ni-lock ko sa inaakalang nandoon ang daddy ko sa bahay. Ayoko nang magtahulan ang aso dahil nakakagawa lang ako ng ingay, nakakhiya sa ibang kapitbahay. Waah, na-stock na ako sa harap ng pinto. Madilim at tahimik. Ang tanging kasama ko lang ay si muning. Umupo na lang ako sa may pintuan at hinintay ko si daddy. Halos tunog lang ng kulig-lig ang maririnig mo kaya tumakbo si muning para hanapin ang tunog. Wala na akong kasama.

Nagdaan ang isang oras, nababato na ako doon at muntik na akong makatulog. Hindi pa rin dumadating ang aking ama. Kaya naman'y naglakas loob na akong bumalik sa garahe para sumigaw ng "daaddy!!!". Wala na akong pake kung magtahulan pa ang mga aso.Pagsigaw ko, may nakapansin naman sa kapitbahay at sinabing "wala sya ditoo!". Bigla akong nagalala na kung wala si daddy doon, nasan kaya. Tumugtog na ang adrenaline-rushing na background music dahil hudyat na ito ng climax. Tumakbo ako papuntang pinto at kinatok ko ang pinto. Katok nang katok na malakas. Tumahol nanaman si Chu-le at lumikha ng grabeng ingay. Maya-maya, may narinig akong nagbukas ng pinto ng kuwarto, bumaba ng hagdan at mukhang papunta sa pinto. Narinig ko na binubuksan ang mga kock sa pintuan at... Si Daddy!!!. WAAAAAHH!!! Nandoon lang pala si Daddy. Nag-antay pala ako sa wala nang mahigit isang oras at kalahati. Dammit. Pagpasok ko, tinanong ako ni daddy kung saan ako nagpunta at ginabi nanaman ako. Iyon pinaliwanag ko ang nagyari at sinabi ni daddy na naglalagay naman siya ng susi sa labas, sa ilalim ng paso. WAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!... pero di ko pinakita ang inis at dumerecho na alng ako sa kwarto para mag sound-trip. -END-

---------------------------------------------