a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

TWILIGHT SUMMARY ( in tagalog pare!)
Active Vista Film Festival
How's Ely (Ely Buendia Update)
How's Tara (Tara Santelices Update)
Fundraising Events for Tara
37 things you don't know (i think) about it...
Googling Myself - new past time
iBANG item no.009
iBANG! item no.008
iBANG! item no.007

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

30.5.05

« a typical ego»

Mataas ang araw at mayabang na namumudmod ng nakakasunog na init kaya nag-unahan na sa paglakad ang mga paa ni Tong. Ngunit sa kabila ng pagmamadali ay bigla rin s’yang napatigil sa gilid ng malaking pulang bato sa tabi ng dagat.

Tinitigan n’ya ang kakaibang bato na may halong pagkamangha. Hindi nakuntento, inikot n’ya ang paligid nito upang higit pang makilatis. Pinakinggan, inamoy-amoy, pinisil-pisil, pinindot-pindot, at hinimas-himas. Nang mapansing wala naman palang kakaiba sa nasabing bato ay lumingon si Tong sa kaliwa…at sa kanan…bago pasimpleng umihi sa gilid nito habang sumisipol. Laking gulat n’ya na lamang sa mga sandaling ‘yon nang magsalita ang malaking bato.

“SYIIIT!!!” napalundag si Tong sa sobrang takot. “LOBSTER…’KAW BA ‘YAN?!?”

“Sino akala mo?” sagot ng kausap na sitting pretty sa batuhan. “At hindi ako si ‘lobster’, ako si Ulang! Kelan ka pa naging inglisero…hellooo?...Duh??? Saan mo nakuha ‘yang pa-‘syit’-‘syit’ mo e dati ‘nanaykupu’ lang ang sigaw mo pag nagugulat ka?”

Pero hindi sya sinagot ng mapanghing talangka na abalang-abala sa pagbabanlaw ng sarili sa dalampasigan – Naks, dalampasigan! Anlalim ng Tagalog.

“Ano bang ginagawa mo sa gilid ng bato ko?” muling nagtanong si Ulang upang hindi s’ya masapawan ng narrator.

Sumagot si Tong habang naghahanap ng masisilungan. “Ikaw, anong ginagawa mo sa ibabaw ng bato sa ilalim ng nagliliyab na araw?”

“Wala.” Sagot ni Ulang

“Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?”

“Meron.”

“Ito ang pinagkakaabalahan ko. Gumagawa ako ng wala.”

“Wala kang ginagawa?”

“Hindi. Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala.”

Lalong napakunot ng noo si Tong. “Anong pinagkaiba noon?”

Itinuro ni Ulang ang malawak na kapaligiran. “’Yan ang wala. ‘Yan ang ginagawa ko. Gumagawa ako ng wala.”

“Paano ‘yun?” tanong ng nalalabuang talangka. “Paano mo malalaman kung tapos mo nang gawing ang wala?”

“Kapag gumawa na ako ng meron.”

“Pero hindi mo naman nakikita ang ginagawa mo, diba?” patuloy pa rin sa paghahanap ng masisilungan si Tong.

“Dahil nga ang ginagawa ko sa ngayon ay wala. Sa katunayan, lahat ‘yang pinagmamasdan mo ngayon ay pinagpaguran ko.”

Tinitigan ni Tong ang kawalan. “Andami mo na palang nagawa!”

“Totoo ‘yan,” sagot ng kausap. “Pero sandali, hindi mo pa rin sinasagot ang katanungan ko. Ikaw, ano naman ang ginagawa mo dito?” muling tanong ni Ulang na animo’y manhid sa init ng araw.

Hinahanap ko sina Manok at Pagong,” sagot ni Tong.

“Bakit?” tanong ni Ulang.

“Ibibigay ko kasi sa kanila itong mga itlog na dala ko,” sagot ni Tong.

“Bakit?” tanong ni Ulang.

“Para masabi nila sa akin kung saan sa gubat makukuha ang puso ng saging,” sagot ni Tong.

“Bakit?” tanong ni Ulang.

“Para ibigay sa ama kong hari,” sagot ni Tong.

“Bakit?” alam mo na kung sino’ng nagtanong.

“Dahil may sakit ang ama ko at kailangan n’ya ang puso ng saging upang gumaling!” alam mo na rin kung sino’ng sumagot.

Isang oras.

Dalawang oras.

Tatlong oras.

“Ahhh!” naliwanagan din si Ulang, sa wakas. “Mahirap ‘yang gagawin mo, talangka. Baka hindi mo magawa, wala ring mangyayari.”

“Pero mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala,” marahang paliwanag ni Tong.

“Hindi ka ba napapagodgumawa ng meron?” tanong ni Ulang.

“Hindi ka ba napapagod gumawa ng wala?” tanong ni Tong.

“Napapagod,” sagot ni Ulang. “Wala na nga akong pahinga eh!”

“Ba’t ginagawa mo pa rin?”

“Dahil ito ang tungkulin ko dito.”

“Tungkulin?” pagtataka ni Tong. “Kanino? Sino’ng nagbigay sa’yo ng tungkulin na ‘yan?”

“Ang mga hayop sa gubat.”

“Huh? Anong nakukuha nila sa wala?”

“Hindi ko alam, pero binabayaran nila ako ng pilak para gumawa ng wala. Kung gusto mo, kahit dalawang pilak lang ang kapalit ay igagawa kita ng sarili mong wala.”

“Huh? Salamat na lang, pero wala akong pilak, at hindi ko rin kailangan sa ngayon ang wala.”

“Sige, bahala ka.”

Hindi na natiis ni Tong ang sikat ng araw. Sandali s’yang naglublob sa tubig upang malamigan. “Masyado nang mainit ang araw, Ulang. Hindi ka ba babalik sa dagat?”

“ang pagbalik sa dagat ay paggawa ng meron. Hindi ako gumagawa ng ganoon”

“Pero masusunog ka init ng araw. Paano ka ba napunta d’yan ngayon sa pwesto mo?”

“Hindi ko nga alam e. Tinangay yata ako ng malakas na alon kagabi.”

“Huh?! Kelan mo balak bumalik sa tubig?”

“Babalik din ako. Hinihintay ko lang ulit ang alan.”

“Pero kung hindi dumating ang alon?”

SWOOOOOOSH.

Halos hindi pa tapos magsalita si Tong ay inanod na ng alon si Ulang pabalik sa karagatan. Nakahinga rin nang maluwag ang talangka at nagpatuloy na sa paglalakad patungong timog. Mga bandang GMA 7. -END-


~An excerpt from Bob Ong's "Ang Alamat ng Gubat"

---------------------------------------------

29.5.05

« Me, Drowned »

I want to mark my calendar. May 26, the worst day of my May. Minsan lang ako magplano, nasira pa. This is one hell of a One Bad Trip. Ang dami na talagang nahuhuli ng Cowboys. Mga lahing Mohicans.

Nag-set kami ni Chelo ng swimming na matagal ko nang pinapangarap at pinaplano. Yung tipong kasama ang mga superfriends ko at ang superfriend kong ‘yon. Sabi ko, Wednesday, kaso na-usog ng Thursday for some reasons and then pinalipat ni Chelo ng Friday, pinasabi daw ni Precious. Edi ok, all set na. Friday, May 27, 2005. Nag-assume ako na 12 ang kasama. Bilang na bilang ko na. Nagisip na kami ng mga dadalhin at kakainin.

"Habang papalapit ang date, paunti nang paunti ang 12. naiintindihan ko naman sila kaya ok lang"

Bago mag Friday, sa bahay natulog si Hubert pero hindi sya makakasaman. Well, naiintindihan ko ang kalagayan mo pare. Naghanda na ako ng dadalhin. Excited. Super. Nag-eexpect na super saya nitong swimming na ito. Masmasaya pa sa huling swimming ko. 1:00 PM kami naka puntang Webzone ni Hebert. Sya kasi ang magbabantay. After a few minutes, dumating ang boss, inutusan ako para magbayad ng kung ano sa banko. Edi pumayag naman ‘tong si masunurin. Nang paalis na ako, nakatanggap ako ng message sa fone from Chelo. Nandun na daw si Prex sa kanila at pumunta na daw ako. Eh di naman ako makapunta pa dahil inutusan nga ako, kaya pinatawag ko nalang kay Maiko at pinasabi ko na sandali lang. Pagdating sa banko, kumuha ako ng number. Nakuha ko, number 81. Hinanap ko yung board kung nasa number na sila. Nagulat ako nang makita kong number 52 palang. Tangina naman. Sabi ko sa sarili ko. after a few minutes, nag text si Chelo, una nalang daw sila sa Webzone. eh, wala na akong magagawa, na-stuck na ako sa loob ng banko. Naisip ko na magdadala pala ng Icebox/cooler yun dalawang yun, kaya napa-“DOH!>.<” nalang ako sa sarili ko.

Sa wakas tapos na, kumaripas ako ng takbo sa abangan ng jeep at tumungo ng Webzone. Ayun, nandun na sila Chelo at Prex at si Tejal. Wala pa si Eje. Sabi nya, mga 2PM daw punta sya ng Webzone pero wala par in siya nung mga oras na yun. Tinawag ko sa bahay at nalaman ko na nasa Laguna daw si Eje. Napapikit na lang at bumuntong hininga. Sila Gilbert at Jonn na umoo din, 5PM pa makakabalik. Wala pa rin. Eh hanggang 7 lang sila Chelo at Prex kaya before 3:00, umalis na kami. 5 na lang kaming nagpunta sa aming “Last Resort”.

Time to dip. Masaya ako. Masaya ako dahil nakasama ko sa swimming si superfriend ko at ibang superfriends. Pero kualng kasi kami. Alam mo yung feeling na pagkulang, hindi ka masyado nag-eenjoy. Kumbaga sa pelikula, kulang ng cast. Wala clown, walang maingay, walang tomador. Basta, kulang nanaman. Hindi ako masyado nag-eenjoy. Napansin ko din sa dalawang gals, hindi rin sila nag-eenjoy. Nahihiya ako na ako sa kanila kaya medyo tahimik na ako. Wala din kaming masyadong foods dahil wala pa yung sinabihan ko at mukhang hindi na sila makakarating. Kaya bumili nalang kami ng chichiriya para naman may pambara sa dinala nila Prex at Chelo. Andami nga nilang dinalang softdrinks dahil expected din nila na madami kami.

Hindi na rin kami nagtagal dun sa resort dahil 6:00 pa lang, umuwi na kami. Kelangan na rin daw ni Chelo na umuwi. Kaya ayon… *buntung-hininga* parang walang nangyari. Sayang ang binayad namin sa cottage. Sana sa ilalim nalang kami ng puno.

Sakto, pag-andar ng tryk na sinasakyan namin, umulan ng malakas. Kaya dagdag pa yun. Pagdating ng bay-tree, tumuloy na rin sila Prex at Chelo dahil ang lakas na ng ulan.

Nagiguilty ako, nahihiya ako, nadisappoint ako at feeling ko lahat ng kamay ng tao sa Pilipinas sakin naka-turo. Hiya ako kay Chelo lalo na kay Prex na galing pa ng Antipolo. Alam kong hindi kayo nag-enjoy at 'wag nyu nang ipagkaila dahil kita sa mga pagmumukha nyo noh! Pero byaan nyo, PROMISE ‘to, ‘pag may magandang opportunity… BABAWI AKO!!! Hindi pwedeng hinde. Kung hindi man sa swimming, sa ibang trip na lang. OKAY? I promise you that! ^_^’ –END-

---------------------------------------------

24.5.05

« The Night Life »

I never wanted the game called ‘Basketball’. Yes, I used to play that game when I was a little bit young. I used to play basketball, barefooted, shirtless and short haired in our village. But now, iba na. Ayoko na talaga ng katawan ko. Last time na nagpunta ako sa province namin, sinasali ako sa isang basketball game, but I refused. But I still got the jersey. But last night, with out any reasons, I played. And after that, a night life.

Kasalukuyan akong nasa webzone at dumating sila Gilbert at Eric. Magbabasketball daw sila kasama si Jonn. Niyaya kami ni maiko at sabi ko, “hindi ako nagbabasketball eh, kayo nalang”. Maya-maya, napilit nila ako at sabi ko sa sarili ko why not, pampapawis lang. Wala na rin naman akong gagawin sa webzone. So sumama kami ni Maiko sa kanila sa Rancho, kila Jonn at nagbasketball kami sa court malapit sa kanila. Pinabuksan pa namin sa gurad ng subdivision nila yung ilaw sa court kaya mejo natagalan kami. Ayun, 3 on 2 ang laro, kulang kasi kami ng isa. Matagal-tagal din ang laro namin. Sobrang pawis na pawis ako. Hindi kami nakakatakbo ng maayos dahil basa ang semento, basa ang court. Basa din ang bola kaya mahirap i-dribol. Hindi rin ako comfoltable sa sapatos ko. Suot ko kasi yung Chukte kong pang-all around. Malapit na ring masira at madulas sa semento. Pero ok lang, nakapaglaro pa rin ako. Hindi ko alam kung anong oras kami nagsimula pero natapos kami ng, kung hindi ako nagkakamali, 11:43 PM.

Hindi pa jan natatapos ang gabiing iyon. After ng exhausting na laro, naligo ako, kami, sa pawis. Super basa ang buhok ko at ang katawan, parang binuhusan ng tubig. Buti nalang, tinanggal ko ang damit ko nung naglaro kami. Kundi, basa na rin yun ngayon at babaho. Pupunta kasi kami sa Q-Grill sa Bayan-bayanan Ave. Kumain kami doon at isang beer. Kumanta pa sa videoke. Napakanta pa nga ako ng Creep by Radiohead. Astig, scam ang videoke machine, naka 95 ako. kami ang huling customer ng Q-grill at madaling araw na. Nagiingay.

After that, sa di kalayuan, (pero napalayo kami) we played billiards. Hindi rin ako marunong mag-billiards. Hindi rin ako naglalaro nito. Sinubukan ko lang. Natapos kami sa paglalaro, 4:20 AM.

Then umuwi na kami sa mga kanya-kanyang tahanan. Pag-uwi ko, syempre wasted na ako, natulog na ako. at nagising ako ng 10:00 AM.
Yun ang aking unang beses na mag night life, graveyard. Ok lang naman, hindi naman ako gumastos eh. All expenses paid! Hehe… salamat mga tsong, sa uulitin. ^__^ -END-

---------------------------------------------

22.5.05

« I missed the oval »

Ang sakit ng dalawa kong hita. Nabigla yata sa jogging namin kagabi. Nagjogging kasi kami yesterday night ni someone special, si Ms. Chelskiedoodleletskie. Kasama namin ulit si Wik-wik and yung pinsan ni Wik-wik na bata na si Harold (tama ba?). Biro mo, matagal na panahon na rin ang nakalipas simula ng huli naming takbo sa Marikina Sports Complex (formerly known as Marikina Sports Center na pinagganapan ng Rockista Reloaded). Huling jogging namin is February 3 pa (at yan ay ayon sa aking statistics). So I’m glad na binigyan ulit kami ni Alanis Morissette ng chance mag-jogging kasi lumalaki na ang bilbil ko. Kelangan ko nang mag ehersisyo ulit. Mahirap na, baka magaya tayo sa kaibigan natin. ^_^

Umalis ako sa Webzone ng 7:30 dahil yun ang sabi nya. Tumuloy nalang ako sa bahay nila dahil samahan pa raw namin siya sa palengke. Ewan ko ko kung anong bibilhin nya sa palengke ng mga ganong oras. Pero sige, dumerecho ako sa house nila. Nag-doorblell at may lumabas na siya. Pumask sya ulit para tawagin na yung mga inaalagaan nya, ^___^ hekhek! Pinahawak nya sa akin ang pera nya. Ginawa ba naman akong treasurer?! Pero ok lang, dahil sabi ko sa isip ko, hehe mayaman na ako! -_- takbo na! Pero hindi, dumerecho na kami sa Palengke ng Marikina. Bibili pala sya ng apples, gagamitin daw nya para sa pag-dadiet nya. Ah, ok. So apple lang kakainin nya for the nest 2 weeks. o_O joke. Pero ok din yun, apples? Isa sa mga favorite na prutas ko =p.

After nyang makabili ngpang-dyeta, tumungo kami sa Mercury Drug Store. Malapit lang sa pinagbilhana namin. Bili daw sya ng kung ano. [“Ok, treasurer, pera!”… “yis mam!”]. Kaso wala dun yung bibilhin nya, [“o, tago mo muna tong pera, dali”… “yis mam!”], so pumunta kami sa 7-eleven. [“boy, ang pera?”… “yis mam!”] At yun, nakabili na sya ng kelangan nya. Then bumalik kami sa bahay nila Wik-wik para makapagsapatos sya. Ayan, tapos na ang warm-up at kalahati ni work-out namin. It’s time to jog! YEY! Iniwan ko ang aking mahiwagang bag. YEY! ^_____________^

After 1 month, ready na sila Wik-wik para pumuntang Marikina Sports Complex (formerly known as Marikina Sports Center na pinagganapan ng Rockista Reloaded) at tumungo na nga kami doon. Alam nyo na ang ginawa namin kaya fast forward na. (syempre najogging). After ng super nakakapagod, nakakahingal at nakakamatay na ikot, mga limang ikot, nag-badminton na kami. 9:30 something kami umalis sa Marikina Sports Complex (formerly known as Marikina Sports Center na pinagganapan ng Rockista Reloaded) dahil may panonoorin pa daw si Wik-wik kila Chelskiedoodleletskie, Memories of Bali daw. Ampf… o_O ehehehe. So yun, kinuha ko muna yung bag ko kila Wik-wik then hinatid ko na sila sa bahay nila Chelskiedoodletskie, then may inabot ako sa kanya.

Dumerecho ako ng Webzone after kila Chelskiedoodleletskie. Grabe, uhaw na uhaw pa rin ako. Kaya bumili ako ng maiinom. Wala naman akong gaanong ginawa sa Webzone. Nag-edit lang ako ng blog then pinag-aralan kung pano ko ilalagay yung Radio.Blog sa blog ko. Grabe, di pa ako kumakain at habang gumagawa ako, bumili sa Maiko ng Jaz at uminom ako. Waaah, ulcer 101 ang abot ko dito. Wala eh, sobra uhaw pa rin. 4:00 AM na ako naka-uwi ng bahay. Derecho tulog kaagad at wala pang laman ang tyan kundi Brown na likidong may carbon at caffeine na hindi naman talaga ako umiinom nun. Pero ok lang. masaya naman ang naging takbo ng buhay ko nung araw na yon. Sana maulit pa, ulit, at ulit na walang katapusan… pero sana kumakain na ako bago sumabak sa gera. Salamat Chelskiedoodleletskie ^_____________^…ur d best. –END-

---------------------------------------------

19.5.05

« I bestowed my blood »

Yesterday, nagpunta ako sa school para mag inquire kung magkano ang babayaran this coming semester. Pag-approach ko sa frontline, inalok ako ng friend ko na S.A. na kung gusto ko raw magdonate ng dugo. Sabi ko, ok lang. So pinapirma ako. edi yun.

Pagpunta ko kanina sa school, nawala sa isip ko na magdodonate pala ako ng dugo. Biglang sabi ng friend ko: "diba mag dodonate ka ng dugo? punta ka taas!!!". Sabi ko "Ngiii, ano? bakit? o_O". Sabay naalala ko na, oo nga pala!. Kaya umakayat na ako sa 2nd floor. St. Lukes ang may pakana ng lahat ng yun. Una, pinafill-up muna ako ng questionaire, then kinuha ang B.P. ko, 120/70, normal naman. Ayus! tapos pinapunta na ako sa Donor Room. Shit, ang lamig!!! {o_o}. Tapos, pinaupo ako sa upuan nung nars tapos umupo din sya sa harap ko. Kumuha ng bagay na may matulis, karayom na kasing taba ng lalagyan ng tinta ng panda ballpen. Tapos, walang pasabi, tinurok kaagad sa kanang braso ko. OUCH! ang sakit... diin mo pa!!! first time ko kasi... na mag donate ng dugo. Ayun, kalahati ng test tube. AHHH, salamat tapos na!!! Then sabi nung nars, "sige, higa ka na don sa kama". Kala ko pinagpapahinga lang ako, nang may dumating na isa pang nars na may dalang bulak at alcohol sabay kinuha ang kaliwang braso ko sabay pahid na parang nililinis ang paligid. Gumagawa na ng extraction site. NYAHAHA!!! ~_~ tinalian ng elastic ang kaliwang bicep ko sabay labas ulit ng isang karayom na kasing taba ng lalagyan ng tinta ng panda ballpen sabay turok... OUCH!!! nanghina ako doon ah!!! masmasakit pa kesa sa unang tusok. Mas mataba yata. Pero ok lang dahil hindi pa ako kumakain nun eh... binigyan ako ng isang Regular YUM at Zesto BIG 250... MMMmmm, sarap, pero di ko pa kinain. Habang dumadaloy na ang dugo ko sa hose, pinahawak sakin yung dilaw na squeeze ball na smiley. Kaya pala an tagal mapuno, dapat pala may pinipiga ako.
Makalipas ang ilang minuto, puno na. Tinanggal na ang karayom at... OUCH ulit. sabay pinagpahinga na ako. Then kinain ko na ang pagkain at may libre pa akong ballpen.
Haaay, do ko alam kung saan nila dadalhin ang dugo ko. Pero sana mabuting tao ang mabibigyan ng dugo ko. Special kasi ang dugo ko eh. ^___^. At atleast, naka tulong ako. ^___^ -END-

---------------------------------------------

16.5.05

« Impaired Dive »

Biglaan ang mga pangyayari. Nagkayayaan kaming magkakabarkada sa webzone – Ako, Maiko, Tejal, Hubert at Gilbert – na magset ng swimming dahil kami’y bwiset na bwiset na sa temperatura. Kung anu-ano ang mga pinagsasabi naming resort, nang biglang dumating si Jon at niligtas kami mula sa aming malawak na imahinasyon. Bukas daw, May 12, isasama daw nya kami sa swimming ng mga barkada ng girlfriend nya. Di na kami nag-dalawang isip at pumayag na kami. Magdala lang daw kami ng 300 pesos para entrance + ambag sa foods. 120 pesos lang daw ang entrance sa resort,100 pesos sa ambag and the rest, pamasahe na namin. Everything is all set.

A dip before jinx day, May 12.

Change of plans. Tumawag sakin si Hubert ng umaga at ‘di daw sya makakasama dahil no bread, so minus one na kami. Naghanda na ako at naligo. Pumunta ako sa webzone ng 1:00 pm. Nadatnan ko si Maiko at mababawasan nanaman kami ng isa. Hindi daw sya makakasama dahil inutang daw ng father nya ang kanyang pera. So Tatlo nalang kami + Jon, so apat. Maya-maya, dumating si Tejal galing gilmore at tumambay na muna dahil 5:00 pa naman kami susunduin ni Jon. Mga 4:something, dumating si Gilbert pero wala pang dalang gamit. Si Tejal, umuwi sandali para kunin ang mga gamit. Nagpalipas na muna kami sa webzone ni Gilbert at nag internet. Mga 5:10 pm, dumating na si Tejal dala ang kanyang bag. Wala pang 30 seconds, dumating na si Jon at ready na kami. Umalis na kami sa webzone at sumakay ng FX. Wala pa akong ka-ide-idea kung saan kami magsiswimming. Ang alam ko lang, overnight. Tinanong ko si Jon kung saan kami pupunta (hindi kung saan magsiswimming). Sabi nya sa Novaliches daw, ayun, edi umalis na kami. Nag-trike muna kami papunta kila Gilbert para kunin yung gamit nya. Then nag FX kami papuntang Cubao. Pagdating sa Cubao, nag-FX, I mean Revo, ulit kami via Novaliches. First time ko lang makaka-apak ng Novaliches, so para akong turista na umaaligid-aligid ang mga mata sa bawat lugar na makita para matandaan ko ang daan (baka kasi maligaw ako if ever).

Habang bumibiyahe, napadaan kami sa lugar na over-crowded at may makipot na kalsada, hindi naman makipot, kasing lapad lang ng street namin pero dinadaanan ng mga bus, jeep, truck at trikes. Tinanong ko sila kung nasaan na kami. At Ngeeek, Novaliches na pala iyun. So bumaba na kami sa isang kanto at pumasok sa Mercury Drug Store para bumili ng 4 na tetra pack ng Sunkist Juice Drink para sa amin. Nauhaw kasi kami. Pumunta kami sa terminal ng jeep at sumakay kami ng via Malinta, pero di ko talaga alam kung saan ang eksaktong lugar ang bababaan namin. Edi yun na, sumakay na kami at nagtravel nanaman pero di naman kalayuan. Bumaba na kami sa isang gasoline station at sa tabi nun, may terminal ng trike, sumakay kami sa isa sa mga nakaparada. Pupuntahan pa pala namin ang girlfriend ni Jon. Doon, inaantay nila kami para pumunta sa resort. Pagdating doon, sumakay kami sa pulang kotse. Girlfriend ni Jon ang driver. Doon kaming apat umupo sa back seat. Then pinakilala ni Jon samin ang girlfriend nya at ang kapatid ng GF nya, si Ezra. Then ayun, bumiyahe na kami at madilim na nun. Wala na akong panahon tumingin sa orasan kaya di ko alam ang eksaktong oras. Finally, after ng mahabang pasikot-sikot at paliko-likong biyahe, nakarating na din kami sa resort. “Cariño” ang name ng resort at nasa Valenzuela na pala kami nun. Ayun, pagpasok namin, ang laki ng pool, halos konti lang ang tao at ang ganda ng ambiance. Sulit na ang 120 pesos per head. Di ko alam kung magkano ang cottage at di na namin inalam yun dahil gusto na namin tumalon sa pool. Napalit na kami ng swimwear at lumusong na kami sa tubig. WOW, SARAP…^__^ nakaka-rejuvinate. Si Tejal, pagkadive na pagkadive, pinulikat kaagad ampf. After ilang oras na pagbababad, umakyat na kami sa cottege at kumain. Pinakilala pa kami sa ibang tropapips. May namumukhaan akong isa nilang kaibigan. Parang pamilyar sa akin ang mukha. Pero di ko muna lubos inisip yun. May isa silang kaibigan na lalaki na bigotilyo at kalbo na mejo malaki ang katawan tapos nung pinakilala sa amin, NAKNAMPUCHA, bading pala!!! Nagulat ako at mejo umatras ng konti sa kinatatayuan ko. Nakakatakot, sa laki ng katawan nun, hindi ko kayang pumalag. ^^;

Pagkakain namin, bumaba na kaming lahat at lumangoy na. Todo bonding ang lahat. Fun and games, fun…. And games. Tapos ininterview kaming apat nila Ezra at ibang friends. Mga pangshowbiz ang tanong, nakakabigla. On the spot, tinanong tungkol sa music, banda at iba-ibang tanong na mapapasisid ka sa ilalim ng pool at lalangoy ka palayo o_O. Masayang kasama ang mga taong ngayon lang namin nakasama. Makukulit, masarap kasama. Maya-maya ng konti, lumipat ang iba sa lugar na may videoke at kumanta sila. Lumapit din kami at nanuod. Kakanta ang malaking babaeng singkit na medjo pamilyar ang mukha. Nung narinig ko yung boses, langya, CD Audio quality yung boses. Sinabi namin kay Jon na ang ganda ng boses nung babae. Talaga palang kumakanta yung babae at siya pala yung grand champion sa huling “Star in a Million” sa ABS-CBN, si Frenchie Dy. AHHH… kaya pala pamilyar, nakikita ko minsan sa TV. Ayun, habang nagkakantahan at nagkakasiyahan ang iba sa pagkanta, bumalik kaming apat sa pool at sumisid ulit at sinulit ang buong naight swimming.

Minamalas, May 13.

Inabot kami ng madaling araw at 3:00AM nag nagliligpit na ng mga gamit at nagshower na rin ang iba, naghahanda na para umalis. After a few minutes… uhmmm… hour... Sumakay ulit kami sa pulang kotse at nagtravel pabalik sa Novaliches. Habang nasa kotse, ayun, kwentuhan. Katabi ko si Ezra at nagkwentuhan kami lahat about korean movies, school at kung anu-ano. Feeling closeness na nga eh. Tawanan sa loob ng kotse pag may nadadaanan kaming mabaho. Maya-maya, dumating na kami sa destinasyon. Nagpalipas kami ng umaga sa bahay ni “mother”, tawag nila sa isa nilang friend, at tumambay, kwentuhan ulit at bonding. Medyo lowbatt na ako at sumasakit na ang mga muscles. Sinubukan nilang mag-tong-its pero first game palang bigla ng nagbrown-out!!! Fuckshit! Ang dilim ng paligid. Kaya balik kami sa kwentuhan sa labas, sa tabi ng kotse.

Lumipas ang oras, pumasok na kami sa loob ng gate at umupo sa upuan. Lima na lang kaming nagkukwentuhan, Ako, si Gilbert, si Tejal, si Ezra at 'Virgie'. Akalain mo ba namang ungkatin ang aking lovelife at kinukulit sa isang topic na ayaw kong buksan. Ang ingay kasi nung dalawa eh, paksyet!!! (Tejal at Gilbert, may araw din kayu!!! >_<) Pero di din sila nakaligtas sa mga tanong ni Boy Abunda. Pati sila tinanong… BELAT, tang-ina nyo!!! =P. Ilang beses din naming narinig ang mga salitang bago lang sa aming pandinig na lumalabas sa bibig ni Ezra, yun ay ang 'hagard' at 'churva'. Wala akong ka-ide-idea kung anong ibig sabihin nyan. >_<

Nag-bubukang liwayway na pero hindi pa rin kami tumatayo. Super lowbatt na ako at tahimik na ang iba. Yung mag syota nasa kotse at knock-out. Pumunta na kami sa may kotse pero hindi pa in kami aalis. Umidlip muna kami sa loob ng kotse at 7:10AM kami nagising at kaming apat nila Jon, ako, Gilbert at Tejal, sumakay na ng trike at umuwi na at nagcommute. Bumalik kami sa ‘Bayan’ ng Novaliches at pumasok sa McDo para bumili ng “HOT” choco. Naghanap kami ng upuan sa taas at nang makakita nag CR ako. Paksyet, walang tubig sa gripo. Pagbalik ko, tang-ina, ang init. Tumingin ako sa paligid, ANIM naman ang aircon pero, DAMN, McDo Novaliches is the worst McDo EVER!!! That’s not cool. Pag-akyat nila, may dala silang choco, COLD nga lang. WALA daw available na Hot choco…CRAP! Pag-alis namin sa McDork, sumakay kami ng FX sa terminal. Tangina, sa likod kami na pwesto. Mainit pa sa loob. Yari ako dito, hilo ako nito. Habang bumibyahe, wala kaming ibang matripan. Sabi ni Gilbert “Ivan, ilabas mo ang baraha!” sabi ko, sila lang dahil baka masukahan ko sila. Edi iyun, nag-Lucky 9 sila, pero isang laro lang. 2nd game, Pusoy Dos. Di na ako makatiis sa boredom, sumali na ako. Ayun, lakas trip, nagbabaraha sa likod ng FX. Mamaya, nakaramdam na ako ng pagkahilo at umaatake na yung cold choco sa tiyan ko. HILO + cold choco + hot FX = Friday the 13th. Pagdating sa cubao, sumakay ulit kami ng FX. Ganun din ang atmosphere pero mas palala. HILO + hot choco + hot FX + nakakahilong amoy ng car freshiner + crappy pinoy lovesongs = Friday the 13th. Yan na yata ang malas sakin sa araw na ito. Buit na lang, napigilan ko pa. Nacontrol ko ang hilo at pagsusuka. Pero kamuntikan na talaga akong masuka. Naglalaway na ako ay mala-Niagra Falls ang agos ng pawis ko sa noo at leeg. At Last, naka uwi na ako ng bahay at natulog ng 3 hrs. Ang saya ng swimming. Sana makasama pa namin sila someday at sana madami na kami at makasama ang iba naming friends like Hubert and Maiko and Lifestory and Step an Inch and *ahem*… =P NYAHAHAHA!!! ^______^

PERO BITIN PA AKO SA SWIMMING!!! -END-

---------------------------------------------

12.5.05

« A Good Samaritan »

My goodness! Ngayon ko lang naisipang mag-type ulit dito sa blog na ‘to. Tinatamad kasi akong gumawa ng entry dahil nakakatamad ang temperatura natin ngayon. Madami na ring nangyari... but I’m telling you, none of them are special. Well, masaya ang naging bakasyon ka sa Samar. Ang daming trip, Playstation 2, Internet, Pag-momotor, Swimming, Buko, Mangga, Fiesta, Piggy massacre, etc… simulan ko na lang kayang i-kwento. Mahaba-haba ‘to so let's begin:

Day 1: The Departure

10:00 a.m. kami umalis dito sa marikina para pumunta sa terminal ng bus sa Cubao, sa tabi ng Ali-mall. Pagdating doon bilang chance passenger, naghanap si Daddy ng bus na dadaan or papuntang Calbayog City, Samar. Habang naghahanap sya, pumunta muna ako sa loob ng Ali-mall para magpalamig at para bumili na rin ng baon at “Bagong Wallet”. Kelangan ko na kasing palitan ang wallet ko. I’m sick of the color, it looks dull already and madumi na sya. Kaya ayun, bumili ako ng 4 na malalaking C2 at bagong wallet. Paglabas ko, may bus na kaming sasakyan, kaya uminom na ako ng Bonamine kaagad dahil after 1 hr pa aalis ang bus.

1:30, umalis na ang bus at hinanda ko na ang unan ko at nagsimula nang magnakaw ng tulog dahil ayokong mahilo at musaka nanaman sa biyahe.

Maya-maya, nasa Quezon area na kami. May isang accidente kaming nadaanan. Grabe, nakakita ako na nakadapang tao at labas ang kanyang ‘Tibia’, yung buto sa binti. Taena, nakakita nanaman ako ng patay na tao. Huling kita ko nung unang panahon pa nung akong musmos palang at wala pang ulirat.

Day 2: Still on the road

Kasalukuyan pa rin kaming bumibyahe, walang magandang nangyari kaya fast forward na.

Dumating kami sa Calbayog City ng mga 5:30 – 6:00 A.M. at sobrang aga. Pagdating doon, kumain kami at naghanap ng matutuluyan. Nung may matuutluyan na kami, umupo sandali sa sofa at sahalip na matulog, nilabas ko yung Playstation ko sa bag at naglaro kami ng pinsan ko. Honga pala, bisperas ng fiesta kaya busy ang iba sa paggawa ng handa para bukas.

Maya-maya, naghanap ako ng Computer Shop dahil gusto kong mag-internet. Nagmotor kami at pumunta sa kabayanan at nakakita kami ng Shop. Grabe 15 pesos lang ang 1hr, LCD monitor, DSL ang internet connection. San ka pa!

Day 3: Pista Rolls for Pitsa Rolls

May 1, 2005 na at araw na ng pista. Maaga akong nagising dahil sa iyak ng baboy. Mabilis akong bumangon at lumabas ng bahay dahil gusto kong tumulong sa pagkatay ng BABOY! Ayun, tumulong ako at wow, I love the blood, hehehehe!!! Gore!!! ^(oo)^

Nagisip ako kung anong magandang gawin. Naisip ko na gumawa ng Pizza Roll. Kaya nagpahatid ako sa pinsan ko sa kabayanan at bumili ng ingredients (thanks to Jamil for this recipe).

Habang ang iba ay nagdadatingan at nagkakainan, kami naman ay abala sa paggawa ng pizza roll. At sabay kinain na namin nung natapos. Sarap!

Nag-internet ako sa kabayanan.

Day 4: Life’s a Beach

Naging tradisyon na doon sa amin na after ng fiesta, nagpupunta kami sa Beach. Kaya asahan mo, mayang gabi, nog-nog na ako. Ayun, nagswimming lang kami, natural! At unang swimming ko this summer. Pero mas-gusto ko sa swmming pool.

Nag-internet ako sa kabayanan.

Day 5: Make yourself at Home

Maghapon lang kaming nag playstation.

Magdidilim na at naisipan naming mag-stroll gamit ang motor. Habang bumibyahe kami at malayo na sa bahay namin, sa isang madilim na spot dahil walang poste, tumirik ang motor dahil naubusan ng gasolina. Tinext namin ung isa naming pinsan na may-ari ng motor. Ayun, bumili sila ng gas gamit ang bike na may sidecar ng mamang mabait.

After malagyan ng gas, nag-ikot-ikot kami sa buong kabayanan. Tapos nag travel kami ng mala-Taft hanggang Cubao, isang derechong pagkahaba-haba, para pumunta sa Airport at magmotor sa run way ng mga eroplano. Wala namang naka schedule na maglalanding doon eh. Kaya ok lang na pumunta doon. Grabe, sa lawak ng runway, walang pipigil sa aming magpreno. Umabot sa 90Kmph ang bilis ng motor. Teminal Velocity. Umaalon ang pisngi ko at maluha-luha ang mata ko, hindi sa takot, kundi sa hangin na dumadampi sa mga mata ko. At Eto pa, WALA KAMING SUOT HELMET! Legal ang walang helmet doon.

Nag-internet ako sa kabayanan.

Day 6: Same old shit

Wala lang.

Hindi na ako nag-internet, wala namang akong napapala. o_O;

Day 7: Buckle-up!

Kukuha dapat kami ng buko sa kakahuyan. Kaso, walang aakyat sa puno. Kaya nagpraktis nalang ako mag motor. Ayus, mejo kabado pa. kaya tumigil na ako, baka sumemplang. Hehe.

Gumawa ulit ako ng Pizza Roll, this time, madami nang quick-melt cheese sa isang roll, yum!

Day 8: Star Buko

Dapat ngayon ang alis namin pauwi sa Marikina kaso, humirit pa ako at parang ayaw ko nang bumalik pa. Nakakatamad kasing bumiyahe eh. Kaya nanguha nalang kami ng buko at mangga. This time, may aakyat na rin. Madami kaming naharvest na Buko at mga Indian Manggo at Napaandar ko rin ang motor na ako lang mag-isa. Pero maya-maya, umulan habang ako’y nag-eenjoy. Kaya time out muna.

Umuwi na kami, mejo magdidilim na rin un. Ginawa na nila yung buko juice na pagkarami-rami. Grabe busog kaming lahat.

Day 9: Th Departure II

Ngayon na angitinakdang araw na pag-alis namin papuntang Marikina. Aalis na kami, pero ayaw ko pa. Ayaw ko nang bumalik, hehehe, nakakatamad. Pero wala, kailan eh.

11:00 daw kami dadaanan ng bus na sasakyan namin. Kasabay din namin ang isa kong pinsan papuntang Marikina. Hanbang naghihintay, nag-timpla muna ng Orange-tanduay ang Tita ko at mga pinsan ko. Bago umalis shot muna. Uminom din ako, at yun ang unang alcohol na naminom ko sa buong bakasyon sa samar. Maya-maya, for the last time, hiniram ko yung susi ng motor at nag-motor ako ulit. Na-adik. Last na yun, pagdating ko sa Marikina, wala na akong masasakyan na ganun. Pwede ko ring makalimutan ang pinag-aralan ko sa pagmomotor. Kaya, lulubus-lubusin ko na.

Day 10: Goodbye Alaska, Hello Sahara.

Pain in the ass talaga bumyahe. Pero bumti na lang, hindi na ako nahilo at nasuka. Nag-stop over kami sa Sariaya, Quezon. Bumili ako ng mga pampasalubong sa mga friends.

8:45 kami naka-uwi ng bahay at pucha, ang init. Tane-ina, sana di nalang ako umuwi at nagpaiwan nalang ako. Buti pa doon, malamig-lamig ng konti. Dito, taena! mistulang sahara desert. –END-

---------------------------------------------