« Me-mu-me-mu-me »
Maybe I should sleep it off. Maybe I should let it loose when I see for myself that I can’t take it anymore, I just runaway. And when I’ve come so far from where I used to be and I see you standing there. I start to want you here with me… maybe.
It was an awsome and a great great night. Unang concert na napanood ko this 2006. It was the Terno Au Go Go: Revenge Agaist the Rain and Up dharma Down’s debut album launch. The album was entitled “Fragmented”. I bought one and … it’s so damn good.
It was 8:00 PM nang makarating ako sa Gateway mall lulan ng isang FX… (lulan?). Sa Gateway muna ako unang pumunta dahil kikitain ko muna si Chelo at kung sino man ang mga kasama nya. Paikot-ikot ako hanggang sa makita ko sila ni Precious. Abay kumakain pala sa Foodcourt, I mean Food Express. Maya-maya pa dumating ang isa nilang friend then umalis na kami papuntang Marikina Shoe Expo.
Nang makarating kami sa venue, naabutan naming tumutugtog ang Death by Tampon, isa sa mga bandang pinunta ko doon. Nakita ko kasi sila sa MySpace at narinig ang tugtog nila. Cute pa nung guitarista, hehehe… kaya iyon. Madami-dami din ang tao. Pero peaceful naman sila di gaya ng ibang gigs/concerts na napuntahan namin. Panalo naman ang venue except sa maliit ang stage. Pero paki-alam ko, hindi naman ako ang tutugtog dun eh. Anyway, pagkalipas ng ilang bands, tumugtog ang Pedicab, surprise guest daw. Hindi magkanda hiyawan ang mga tao… (may ganung phrase ba? anyway). The people went wild and ‘di talaga mawawala ang mga poser na punk “kuno”. May mga banner banner pang nalalaman. Sila yung mga “Anti-kurikong ng Taguig”. Wahahaha, nakakatuwa at nakakatawa at the same time. Pero bago non, nakita ko muna pala si Alvin kasama ng mga friend nya. Inabangan lang nila tumugtog yung Wahijuara. Then dumating pa yung isang ‘friend’ ni Chelo then Tumugtog ang Paramita and that time lumapit kami sa gilid ng stage dahil idol daw ni Chelo yun eh, woooshooo!
Nagdaan ang ilang oras nang tumugtog na ang Up dharma Down. Wow, ang tagal nila sa stage, syempre album launch nila, pero gusto ko nang makita ang Giniling Festival, na nagsisimula nang makilala, (lolz). Nung tumugtog na ang Giniling Fest, buhay nanaman ang mga tao sa first song nilang “Boyfriend mo pokpok”. Then may bago silang tinugtog, “McJolly” then ang finalle ay ang “S.I.L.I.N.G. G.I.N.I.L.I.N.G.” best for people who can’t spell. After nila, Radioactive Sago Project at iba pang banda na kinahikaban ko. Huling Tumugtog ang “the Late Isabel”, pero dapat may next band pa pero di na tumugtog dahil 4:00 AM na (yata nun) at naguwian na rin ang karamihan after ng RASP.
Natapos ang show na ako’y inaantok at umuwi na ng bahay na masaya at inaantok na masaya. Pero inaantok na gutom… at busog sa dalawang can ng Sanmig Light (correction 1 and a half dahil uminit yung huli lata during Drip’s Performance, hekhek… HECK!)
It was a nice show. Sulit ang 50Php mo at ang 250Php worth na debut album ng UdD at 20Php na Sticker ng Giniling Fest na may nakasulat na “Giniling Festival Nakamamatay”. Sama mga niyaya ko, malas nyo di kayo sumama. Sayang, dami pa naman akong nakitang ikasisiya ng inyong mga mata, ahihihi. MojaRon, Al-harris, Arnold at Hubert, Eisner, Albert, Tejal at iba pang tinext ko, what a miss dude! Wahaha. Madami akong natatanaw na mga chicas sa sidestage na nanunuod. Sa audience area meron din kaso karamihan ‘hipon’ eh… (lam nyo na yun guys, hipon). May ‘porenjer’ pa nga eh. Wahahah… pero meron pa namang next time eh, sana sumama kayo. Remember Moja-MojaRon, it’s a one step closer to the Shikima World and surely, you will transform into H.E.M., you kown what I mean. BUWAHAHAHAHA!!!
Good Show, Good Show. I’ll give it 8 out of 10… ofcourse with 10’s the highest. -END-
---------------------------------------------
<< Home