Chapter IV: A Crow Calls
Current Mood:
Listening to: Oxygen by New Found Glory
Summer time has come. Bakasyon na kaming lahat. At wala na kaming pasok. Este, sila lang pala ang wala ng pasok. Kasi ako September palang, libre na ako. Gabi-gabi, lagi kaming tumatambay sa shop. Kwentuhan, sharing of experiences, kanya-kanyang kutkutan ng chichiriya. Naalala ko pa noon, gabi na ng mga oras na yon at naghahanap kami ng tindahan pero wala kaming Makita. We decided to go to the nearest convenient store at nilakad naming yon. Ako, Mikhaela, Kuya James, Stacy, Julian, Angelo and Kieth ay nagbagtas sa pinakamalapit na store, yung 24 hrs. bukas. Sa’an pa nga ba? Sa 7-tiseven ‘di ba ang sabi ko pinakamalapit? Oo yun na yung pinakamalapit so far. You need to take a PUJ para makarating ka doon. Pero kami, nilakad lang naming magkakaibigan yung pupuntahan namin. Bakit? Wala lang, just to get some adventure maybe. O baka wala lang talagang gustong manlibre sa jeep. Makalipas ang ilang minutong pagbabagtas, nakarating na rin kami sa 7-tiseven. Ang dami naming biniling puro pagkaing pampataba. Si Kuya James ang laging nanlilibre sa’min non. Siya yung galanteng financer ng tropa. Dalawang pack ng Rebisto Chocolate chips, dalawang malaking bag ng Trompillios, Malalaking bag ng Chis Bols at MGA siopao, di ko alam kung ilan yun, pero yun yung natandaan kong binili namin. Ok na, babalik na kami sa hide-out. Pag-uwi, pagod na pagod kami na animoy galing Mojave desert. Pero para sa ‘kin, ok lang. nakasama ko naman si Mikhaela sa paglalakad eh. pagkapahinga, gumawa ng coleslaw si Tita Marie para sa trompillios. Nagtimpla naman si Mikhaela ng Pomelo Juice dahil yun ang uso noon. Masarap pala magtimpla si Mikhaela ng Pomelo juice, tamang-tama lang ang tamis at asim. Ayos chibugan na! habang chumichbog na kami ng trompillios na may coleslaw, nangangarap ang tropa na mag outing. Nang biglang sabi ni Tita Marie na pupunta daw ung family nila kasama ang ibang relative patungo sa Baras, Rizal. Overnight daw, “Uy ayos yun ah!”sabi ko sa sarili ko. Tuwang-tuwa kaming lahat noon at umagree na sasama kaming magtotropa. Di ko na maalala kung kelan ang eksaktong date ng outing. Kaya isang umaga, kagigising ko palang at parang monster pa ang boses ko. Nagring ko ang telepono, “TINUNINININI!!!!” si mommy ang nakasagot at tinawag ako… “Benjie!!! Telepono”. Huh para sa akin? “ano ba ‘yan, pagkaaga-aga!”. Sabay kuha sa handset “hello?”. “uy Benjie? Maghanda ka na raw kasi aalis na papuntang Baras” sabi ng isang maliit na tinig mula sa handset. Di ko na naitanong kung sino yun pero parang boses ni Stacy. “huh? Ngayun na? kelan ba aalis?” tanong ko na medjo inaantok at natataranta. “ngayon na bilisan mo aalis na!” sagot ng isang maliit na tinig mula sa handset. “Ok sige bye!” sabay baba ng telepono at dali-daling umakyat para maghanda ng mga dadalhin. “ok! Ayos makakasabay ko si Mikhaela sa mahaba-habang biyahe! Another chance!” Pagkabihis, dinaanan ko si Angelo sa kanila at pumunta na kami sa hide-out este sa shop. “Oh angtagal nyo, nandun na yung tatlo” Wika ni Tita Marie na animoy busying- busy sa ginagawa. “Huh? Nye! Pano yun” tanong ko sa sarili ko sabay tingin kay Angelo. Biglang nagsalita si Tita “Pero sa amin kayo sasabay, dito sa pick-up”. Hay! Nabuhay kami ng loob pero sabi ko sa sariIi ko”di ko sya makakasabay! Huhuhu!”. Pumasok muna kami sandali sa shop habang naghahanda ang magasawa at si Peewee. “Uy nanjan pala kayo!” sigaw ko kina Kuya James at Julian. “Oh handa na ba kayo?” tanong ko. Sumagot naman si Kuya James “hindi ako makakasama eh, may gagawing pa akong project ipapasa ko”. Pero hindi nag tagal, napilit din namin si Kuya James at umuwi muna para kumuha ng gamit. Itong si Julian naman, talagang hindi namin mapilit. Ayaw talagang sumama. Dun lang daw sya magpapaka-adik at magbabantay ng shop.
Lumarga na ang pick-up na sinasakyan naming anim. Si Kuya Jong, ang nagdadrive, Tita Marie at Peewee, sa loob sila ng pick-up. Kaming tatlo naman nina Angelo at Kuya James, sa likod. Para kaming mga manok na binubugahaw ng usok ng mga sasakyan at para naman kaming mga itlog na pinaiinitan para gawing balot sa init ng sikat ng araw dahil wala bubong yung pick-up. Pagdating sa destinasyon, para knaming mga amerasian sa itsura namin, madudumi ang mukha at habang nag-eenjoy na ang magpipinsan sa swimming pool. Para kaming nasakluban ng cylindrical plastic tube sa nakita namin. Puro kasi sila magkakamag-anak at kami lang ang parang nadiscriminate. Pero sandali lang yun at natanggal agad ang cylindrical plastic tube na naka saklob sa aming tatlo dahil pinakilala naman kami sa ibang pang relatives at matapos nun, naghanda na kami para maligo sa pool. “Yehey!”.
Kinagabihan, nagbabalak ng inuman ang mga magpipinsan. First time kong sasabak sa inuman. Ginpomelo o Ginpom ang titirahin. Ok lang dahil inakala kong lasang juice parin naman. At tama ako lasang juice pero tinamaan din ako ng konti. Habang nagiinuman sa tabi ng pool, patagay-tagay. Kasama namin si Mikhaela noon ang humingi ng tagay. Binigyan naman sya pero di pa nakuntento, pinuno nya yung baso at sabay tungga. Wow bottoms-up! Nagulat ako sa mga pangyayari. Maya-maya, unti-unting nagbago ang mga kinikilos ni Mikhaela. Nagiging wild! Nagbreak kami at nag swimming muna. Habang nagbobonding sa loob ng pool, bigla akong sinampal ni Mikhaela ng walang dahilan. Wala lang, gawa ng kalasingan. At balik na sa inuman. Sabi ko “tama na yan Mikhaela, lasing ka na ah” concerned na pagkasabi ko sa kanya. Sabay banat na “hinde, anong lashing?! Di pa ako lashing ‘no! shige lasht na lang” di pa nga sya lasing pero ung pagkasbi nya parang batang gusto pang uminom ng Kool-Aid. Natapos na kaming mag-inuman. Habang naglalakad ako, para akong dumadaan sa isang hanging bridge na ani mo’y mapuputol na ang tali. Inaalalayan ko si Mikhaela ng biglang “Huwag mo kong hawakan! Kaya ko to oh!” pasigaw nyang pagkasabi saakin. Medyo napahiya at nasaktan ako nung pagsabi nyang iyon. Pero ok lang, dahil alam kong lasing sya noon. Nasa kwarto na kaming mga lalaki nun. Kung ano-anong pinag-gagawa namin nung gabing iyon Ginawa nila saakin yung nahihimatay na mapupunta ka raw sa ibang plane. Ayos nung sinubkan ko yon, para lang akong nakakita ng nakazoom-in na carbon paper at paggising ko parang umaga na. pero bat sila nagtatawanan? Kakaiba daw ako nung mga oras na wala pa akong ulirat. Sinubukan naman namin yun kay Kuya James. Paggising nya, kinuwento sa’min kung san sya nakarating. Kabilib-bilib naman yung mga pinagsasabi nya. Nakakatagos daw sya ng dingding at nakita nya ang mga tao sa kabilang kwarto. Sa kwarto ng mga babae! Kabisado nya ang mga pwesto at lugar ng mga kama. Mangha ako sa pinagsasabi nya. Sana nga yun lang ang nakita nya sa kwarto ng mga babae. Ilang oras ang nakalipas, nabalitaan naming sumuka daw si Mikhaela dala ng amats. Para daw syang tumatawag ng uwak. Tawa kami ng tawang mga boys pero labis ang aking pagaalala kay Mikhaela. Dahil first time din nyang uminom at first time din nyang malasing noon. Kinabukasan, syempre, kumain kami at kinwentuhan namin ang mga girls ng mga pinaggagawa namin. At kinagabihan nagghost hunting-huntingan kami. Di ako naniniwala sa ghost pero sinakyan ko nalang sila. Sama-sama kami noon. Mikhaela, Angelo, Stacy, Kieth, Kuya James, Kuya Jong at iba pa. Maya-maya, nagsplit ang grupo. Di ko na maalala ang mga kasama ko pero ang alam ko magkakasama sila Angelo, Mikhaela, Stacy, Kuya James at iba pa. After that, pumunta na ang lahat sa meeting place. Kinwento samin ang mga nakita nila. May nakita daw silang Tikbalang, WOW tikbalang! Ahehehe… grabe daw ang takot nila. Kaya napahawak daw si Mikhaela kay Angelo. Simula na ang welga pero binaliwala ko yon. Tuluy-tuloy ang kasiyahan, tuloy-tuloy din ang palakasan at ang welga. Tatlong araw ang tinagal namin doon. After that, sobrang saya namin sa pag-uwi. At pagdating naming sa hide-out, Nagpabili si Galanteng Kuya James ng Dalawang tig-kakalahating galon na icecream. Solb!
-end-
---------------------------------------------
<< Home