a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

Prologue: We Blink, we wink
Do u evn know wat ur wearing?
Talagang Nag-away
iBANG! item no.0002
stop your crying
Chapter II: First Step: A bear, a letter, a song
Stand-up, Comedy!
I'm with Marieton Pacheco
iBANG! item no.0001
Fatal Fame sa UP BnA

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

31.8.06

Chapter III: A Silent Ride

by Ivan Aguilar
Type: Fiction

Ilang araw na ang nakaraan after “The First Step”. Halos araw-araw na akong pumupunta sa shop. Umaga palang nandon na ako. I guess mga 9:00 A.M. palang naliligo na ako at pumuporma. Naglalagay ng katakot-takot na hair gel para mas presentable tingnan. 10:00 onwards, dumadating na ako doon. Ok lang sa akin yun. Wala naman akong pasok nun eh. Wala narin akong trabaho noon dahil sumuko na ako sa liit ng sweldo at tingin ko, naghihinala na ung may-ari kung bakit anliit ng kita ng Weblink nya “MUWAHEHEHE!!! Di ko rin alam? Bulok na kasi yung mga computer nya eh”.

Pumupunta ako sa shop para magbantay. Magbantay ng mga computer at bantayan si Mikhaela. Every 11:00, naghahanda na sya para pumuntang school. Naliligo, kumakain at presto, aalis na sya. Paminsan-misan, sumasabay ako para i-hatid sya. Pero minsan lang yon kasi madalas akong inaatake ng pagkatorpe kaya hanggang gate nalang ako. “Babay” nalang at “ingat” ang nasasabi ko. At minsan naman may umaatakeng Pugo sa may gate. Si Sandwich, ihahatid din daw si Mikhaela. Eh pareho sila ng school nun eh, baka kamo sasabay! Ako naman sa loob-loob ko, nagwewelga na ang mga ugat sa puso ko. Nagseselos ako?! nakakainis!

Isang araw nga, ihahatid ko nalang si Mikhaela nun. Kasama namin si Angelo at nasa kanto na kami ng “The Street” at nagaabang ng Jeep. Biglang nag-iba ang simoy ng hangin. Dumating si Pugo para sunduin si Mikhaela. “Ayun may jeep na!” sabi ni Mikhaela. Hindi naman siguro maganda kung aalis nalang kami at magwowalk-out sa nasabing contest. Ako ang nauna kaya kailangan ako ang maghatid. Sumakay na kaming apat sa jeep. Tinabihan ni Pugo si Mikhaela ako naman tinbihan si Angelo. Nagngingitian na lang kami ni Angelo. Habang bumibiyahe ang jeep, napag-isip-isip ko na sa lalakarin namin mamaya papuntang School ni Mikhaela, makakasabay ko si Pugo at makikita ko ang pagpasok nilang dalawa sa loob ng school, baka magwelga nanaman ang mga ugat sa puso ko. So, pagdating sa kanto ng B3 supermarket, nagpaalam na kami kay Mikhaela at sinabing “Uy dito na lang kami, pupunta pa kami sa Powerzone” sabi ko kay Mikhaela. Nagulat sya dahil akala nya sasama kami sa kanila. DI NA NO! kaya dinahilan nalang namin ang pagpunta sa Powerzone, isa ring Counter-strike gaming shop malapit sa Weblink. At natapos ang araw. Natalo ako sa Contest na ‘yon at sana nagwalk-out nalang ako kanina at dinahilang masakit ang tyan. Edi sana wala pa akong record na "TALO".

Minsan nakakachamba sa paghatid. Pero kadalasan, nauuwi sa walang kwentang araw ang paghahatid ko sa kanya. Dahil habang bumibyahe ang jeep na sinasakyan namin, lagi kaming tahimik. Siya, nakatalikod sa akin. Hindi kasi ako makapagsalita eh. Natotorpe na ako pagkasama ko sya. Yun ang isaang bagay ang hindi ko nagawa habang ako’y nanliligaw. Mali ako sa mga ginawa ko, dapat kinakausap ko sya habang bumibiyahe kami. Bawas puntos! Sayang! Hindi mo rin naman ako masisisisi dahil kung ikaw ang nasa kalagayan ko, na pagkinakabahan eh nag-iistutter ako o na-uutal magsalita. Ayaw ko namang mangyari na habang nagsasalita ako, eh mapansin nya… teka… hindi, talagang mapapansin nya na nauutal ako at nakakahiya yon. Baka tawanan nya ako at mauwi sa kahihiyan. Pero mali talaga.

-oOo-

Minsan pagnagpupunta ako sa kanila, pinapakain pa nila ako. Isang araw, pagpunta ko, niyaya ako ni Kuya Jong na doon na maglunch. Labis ang hiya ko at tanggi. Pinipilit ako ni Mikhaela at dahil malakas sya sa akin, sige, bakit hindi. Ayaw ko syang ma-disappoint. Sa labas na kami kumain, sa may garahe. Corned Beef ang ulam! Wow ayus ‘to. Pero ano ‘to? Ketchup? Nyikes! Bat nilalagyan nila ng ketchup ung corned beef? Tinanong ko si Mikhaela, “ba’t nyo nilalagyan ng ketchup?”. “masarap yan, subukan mo” sagot ni Mikheala. Sinubukan ko naman, “Hmmm… masarap nga ‘no!” at doon ko nga natutunan sa pamilyang iyon na maglagay ng Ketchup sa Corned Beef. May ilang recipe na natutunan sa kanila, ung toyong may asukal para sa sawsawan ng mangga. Mababait silang lahat. Pati mga parents ni Mikhaela. One day ulit, niyaya naman ako nila Tita Marie na dun ulit maglunch. Kasama naming kumain ang ate ni Borgy at sabay sabay kaming kumain ng Java Rice and Sweet & sour pork. “MMMM… sarap nito ah!” sabi ko. “Parents ni Mikhaela ang nagluto nyan!” sabi naman ni Tita Marie. Sarap palang magluto yung mga magulang nya. Pa’no ba naman may lahing Chinese ang mga father nya kaya magagaling magluto. May restaunrant pa sila dati. At yon minsan naman paghindi ko naihahatid si Mikhaela, kinukwentuhan ako ni Kuya Jong tungkol sa buhay ni Mikhaela at maliungkot pala ang naging takbo ng buhay nya. Mahabang salaysayin kaya hindi ko na isusulat dito. Isa pa medyo nakalimutan ko na ang ibang ditalye.

-oOo-

Kapag mga bandang hapon, uwian na nila Mikhaela, minsan kasabay pa rin nya si Pugo kaya welga nanaman. Minsan naman wala nga si Pugo pero dumating naman itong crush ni Mikhaela na si Tikyo. Kamukha daw ni Tirso Cruz kaya tuwing nasusulyapan nya iyon, grabe ang kilig na para bang nakakakita ng dumaan na ipis. Kaya ako naman, nag-iiba ang timpla at nagiging estatwang naghihimutok. Bawas Puntos nanaman para sa akin.

-end-

---------------------------------------------