Prologue: We Blink, we wink
by Ivan Aguilar
Type: Fiction
Walang akong pasok nung mga panahong iyon. Huminto kasi ako sa pag-aaral. Financial problem ang dahilan. First year, Second semester lang naman ang hinintuan ko eh. Makakahabol pa ako. Kaya tinuon ko nalang ang natitirang semester sa pagtatrabaho sa Weblink. June 13 ako sumabak sa trabaho kaya habang nag-aaral ako, nagwowork ako at the same time. Part-time job ika nga. Halos araw-araw pumupunta ako sa Weblink para mag bantay ng mga Computer, Mag-assist sa mga ignoranteng customer, at maglinis ng banyo. Ayos naman ang pakikitungo sa akin pero isa lang ang problema. Hindi sapat ang aking kinikita. 100 pesos isang araw lang ang natatanggap ko. Sabi ng iba, ‘di na masama yun. Pero ang di nila alam. Hindi lang pagbabantay ng Weblink ang inaatupag ko. Pinaglilinis pa ako ng banyo at pinag-mamop ng maitim na sahig. Ewan ko ba kung ano’ng natapon dun sa dapat na maputing sahig nayon. Kulang na kulang ang 100 pesos para sa minimum salary na 250 pesos isang araw. Kaya napilitan akong gumawa ng kasalanan habang nasa loob ako ng Weblink. Ok lang, kabayaran lang ito sa maliit na sweldo at isa pa, wala naman ung may-ari eh… “MUWAHAHAHA! Pagkakataon ko na ito!!!”. Natutunan ko ito sa dati kong classmate nung highschool na si Jobert. Dati rin syang nagtrabaho doon. Kasabwat din namin ang isa sa mga naunang gumawa noon. Kasamahan ko sa trabaho sila Robert at Pikoy na lagi namang absent at inaasa sakin ang mga trabaho. Ang modus operandi, kapag may dumadating na customer, hindi namin nililista sa log book. Gumagawa nalang kami ng mini-logbook sa isip namin at tinatandaan kung anong oras nagsimula ang customer. Malas mo kung biglang dumating si Benny, boss namin, habang nadoon pa yung customer na wala sa log book. Kaya habang nakaupo sa frontline desk, inaabang namin ang kulay pink na Revo at pag nandyan na, gumagapang ang kamay ko para isulat kung anong oras nagsimula ang customer. Hehehe muntik na! Minsan nga sa sobrang inis ko, naka 900 pesos ako nung mga araw na yon. Hindi pa kasama ang 100 pesos na sweldo. Sobrang makasalanan ako noon. Pero hindi ito ang talagang chapter 3. Prologue lang ito at kaya naman sisimulan ko na ang chapter na may title na...
itutuloy...

---------------------------------------------
<< Home