« Eupee Trip III »
Third time na akong nakapunta sa U.P. (at talagang binibilang ah!) pero this time, mag-isa na alng akong pumunta doon. Niyaya kasi ako ng kaibigan kong si Tejal na manood ng isang maliit na concert ng U.P. ABAM, U.P. OBEM at U.P. UMC or U.P. Underground Music Community na may title na “Rock ISKO rock” at ginanap sa U.P. Bahay ng Alumni.
7:15 ako umalis at nag-FX… Adventure pala… ako… teka ang gulo… ganito na lang…
7:15 ako umalis at nag Mega Taxi na ako para hindi abala at para malamig, nagantay pa talaga ako ng Adventure dahil karamihan ng Tamaraw FX na Mega Taxi ngayon ay heater na ang nakalagay imbis na air-con. Pagsakay ko, nilagay ko na ang earphones na nakasabit sa balikat ko at nakinig ng music galing sa aking 5510 na oldschool na cellphone (pero mahal ko ito). Nakaugalian ko nang kapag sumasakay ng sasakyan ay makikinig ako ng music. Kahit sa jeep pa o kahit habang nag lalakad, music pa rin. Oo nga’t yung ibang jeep may tugtog, pero my golly gee, bumabaon yung tunog ng bass sa dibdib ko at parang magkaka-almuranas ka sa bass na bumabayo galing sa speaker sa ilaling ng upuan. Sa mga taxi/mega taxi naman, karamihan ay mga Joe d’Mango o mga kuya Cesar ang mga pinapakinggan ng mga driver. Kung minsan FM nga, pero asahan mo na maririnig mo ang “koo-koo-roo-koo-koo” at ang walang kamatayan at non-sense na slogan na “kelangan pa bang i-memorize yan?” (sa lahat ng kinaaasaran kong radio station, ito ang numero uno).
Napapasarap ang aking pakikinig sa music player ko at komportableng-komportable ako sa pwesto ko dahil solo ko ang front seat. Ang sarap talaga sumakay sa mega taxi, lalo na pag air-con ang nakakabit. Oops, malapit na akong bumaba kaya pinatay ko na ang music player sa cellphone ko. Pagbaba ko sa malapit na intersection ng Aurora at Katipunan Avenue, sa gasoline station, nagsimula na akong kabahan dahil first time kong sasakay doon na ako lang mag-isa. Naiignorante pa ako kung ano ang sasakyan ko. Natatakot kasi akong maligaw dahil baka paguwi ko ng bahay ay kasama ko na ang aking daddy sakay ng isang police vehicle. Pero pinairal ko naman ang aking common sense dahil meron din naman ako nun. Tinandaan ko kung pano kami sumakay ni Solomon nung last time na pumunta kami sa U.P. Bahay ng alumni. Pero pagdating ko sa terminal, may bago akong napansin na wala naman nung huling punta ko doon. Isang balckboard na may nakasulat kung saang jeep ang papuntang U.P. Gate (kanan) o U.P. Campus (kaliwa). Syempre, nagtanong naman ako no. Una akong nagtanong sa barker dun sa U.P. Gate. Syempre para mas sigurado ako, tinanong ko na rin kung U.P. Campus ba ito dahil malay mo, hindi nila sinusunod yung nasa blackboard. Eh alam naman natin ang ibang pinoy, matitigas ang ulo diba? Iyon, sabi nya hindi daw dito ang sakayan, sa kabila. Edi ok, mas naliwanagan ako. Pero may napansin ako sa ibang pasahero. Bago sila pumasok sa loob ng jeep, may kinukuha muna silang kapiraso ng puting karton. Hindi na ako nagbalak magtanong dahil baka murahin ako nung mamang barker. Kaya pumunta na ako sa kaliwa. Tapos sa likod. At iyun, may barker din at nagtanong kung U.P. Campus. Yes, sa wakas. Bumunot ako ng 6.00 pesos at 1.50 pesos na back-up kung sakali mang singilin pa ako. Pero dapat naman may discount ang pamasahe ng student diba? Para mas malinaw, tinanong ko kung magkano ang pamasahe. 7.50 daw. Tinanong ko kung pano naman ho kung student. Abay akalain mong wala daw discount pag sa loob ng campus bababa. Abay hayup, ganun pala yun. Eh karamihan ng sumasakay doon eh student, pero bat ganun? Labo. Gusto kong sagutin yung manong pero ayoko nang makipagtalo at makipag dibate pa sa kanya. Mukahang nakainom eh.
Yan, malapit na sa tabi na lang ng kalsada ay bakod na ng U.P. Alam ko na to! Sa unang gate, kakaliwa ang jeep!!! Ayus… pero… ano ‘to? Naka-sara yung first gate. Dumerecho ang jeep. Huh? Di ko tuloy alam kung kelan at saan ako bababa pagnakadating na ako sa loob ng U.P. campus. Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Pagpasok ng jeep sa loob, grabe, ang dilim ng paligid. Dungaw ako nang dungaw sa bintana dahil baka madaanan ko na yung Bahay ng alumni. Hala, di ko pa naman kabisado ang pasikot sikot dito. Lalu na at gabi na! yari. Maya-maya pa at nagbabaan na lahat ng pasahero at ako na alng ang natira. Hindi na ako nag-atubili na mag tanong sa driver kung dadaan ba sya ng Bahay ng alumni. Sabi nya, hindi na raw dahil alas 8:00 na daw at hanggang 7:30 lang sila umiikot. Pero tinuro nya sa akin kung saan ako sasakay. Mabait naman pala itong si Manong eh. Ibinaba nya ako sa sakaya ng jeep na may karatulang “U.P. Ikot” yun ayus. Nakahinga na ako ng maluwag. As usual, nakinig nanaman ako ng music galing sa aking player. ‘Di pa puno ang jeep at kelangan pang magantay ng ilang minuto para mapuno. >> FAST FORWARD >> Nakikita ang bahay ng alumni at pag tapat ng jeep sa bahay ng alumni, pumara na ako. Wow, dami tao! Habang papalapit ako nang papalapit, feeling ko lahat sila nanunuod sa pagdating ko na para bang kanina pa nila ako hinihintay at ako na alng ang kulang. Pero di na ako tumitingin sa kanila. Derecho lang ang lakad ko, dedma. Nagsimula na pala ang concert kanina pa. Tanaw mula sa labas ang stage at dinig din ang tugtog. Tama lang ang dami ng tao at di gaano chaos. At walang mga bollocs sa labas. Siguro nasaloob na. Pero peaceful namang nakaupo sa lapag ang mga audience. Di pa gaanong big time ang mga tumutugtog kaya di muna ako pumasok. At isa pa, nasaan na sila Tejal? Dali-dali kong binuksan ang bag ko at kinuha ang cellphone para i-text kung nasaan na sila ng gelpren nya. Nag-antay… nag-antay… nag-hintay, hindi sa kanila ngunit sa reply nila. Umupo ako sa hagdan sa harap ng entrance. Maya-maya, naka-upo pa rin ako at nakatunganga. Maya-maya pa ulit, may vibration akong nadama galing sa loob ng bag ko. Cellphone ko at sa wakas, nagnag reply na rin sila. Pag tingin ko, si BUDDY pala, malapit na daw maubos ang load ko. Ok. Tagal naman nila. Maya-maya, ayan na, nag-vibrate nanaman ang phone ko at bingo! Nagreply na sila. Malapit na daw sila at nasa city hall na daw sila. Huh? City hall? Ng ano? Malay…
Habang naghihintay sa mga kasama ko, tumingin ako sa likod ko kung anu na ang nagyayari. Dami din pala naghihintay sa labas, di ko namalayan. May mga naguusap, may nag-pipicture-picture, at may media pa. Studio 23, wazzup wazzup yata. Hekhek… what the heck!?
Sa kakalingon ko sa paligid-ligid, bigla akong nagutom. Saktongmay mga fishbulan pala sa banda doon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa banda doon. Bumili ako ng Chickenballs at fishballs at kumain at nagpakabusog. Habang kumakain, may nagbebenta ng bottled water. Hindi ako lumapit dahil may dala naman akong inumin. Pero na curious talaga ako sa pangalan nung produkto. May naka sulat na “flouride”. Pampatibay ba ng ngipin yun? Ewan? Ewan! Bumalik na ako dun sa dati kong kinaupuan at na hintay nanaman. Maya-maya ay dumating na rin ang aking hinihintay at bumili na ng ticket at pumasok na.
What an awsome night at napaka peaceful ng concert na ito. May mga poser den pero good boy naman sila lahat. Andaming naka line-up na banda. Kilala at hindi kilala. Hindi ko inaasahang mapapanood ko ang Up dharma Down doon. Astig talaga sila. Ganda ng music! Ganda ng vox, si Armi. Pero mas maganda si Aia ng Imago, ever. Tumugtog din ang kapitbahay ni Tejal na si Raymund Marasigan, yung bandang Sandwich. Syempre, di mawawala ang aking all-time favorite local pinoy band (local na pinoy pa), na nalate ng dating kaya hindi nakatugtog si Ebe sa Cambio. Galing pa daw kasi sila sa Calamba, Laguna kaya second to the last sila tumugtog. Radio Active Sago Project ang huling bandang tumugtog. Hindi ko man naintindihana ng mga pinagsasasabi ni Lourd at tanging “Gin Pomelo” lang ang naabsorb ng tenga ko, astig naman dahil first time kong nakapanood ng may nag totorotot na banda sa harap ko. May mga bago akong nakilalang banda gaya ng Giniling Festival na sobrang kulit ng bokalista na tumabi pa sa akin habang sila’y nag peperform at ang Aizo na kumanta ng theme ng “Barkada Trip” sa Studio 23. Ang iba namang banda, di ko na pinansin dahil hindi naman kapansin-pansin, buwahaha, peace!
Astig! Ito na yata ang pinaka peaceful na concert na napuntahan ko at sa awa ng diyos, walang nawalan ng cellphone. Kadalasan kasi, pag nanunuod kami ng mga kasama ko sa isang concert, isa sa kanila mawawalan ng cellphone. Bwuahaha. I don’t know why. Anyway, astig ang event na ito. Di man ganun ka laki, sulit ang bayad. Pero nagtataka ako sa title ng event. “Rock ISKO rock: Tunog natin ‘toh!”, ano yung “ISKO”? or sino si “ISKO”? at bat “h” ang “’to”? para ba may hangin kang ilalabas pag sinabi mo ‘toh? H-Factor ah! Hehe.
Pero bottom line: ASTIG! Sana maulit pa tong ganito. At sana madami na kami at laging sabay-sabay kaming pupunta para walang hintayan na magaganap ^___^ -END-
---------------------------------------------