a Music Box Superhero
About Me


Name::van
From::Marikina City, NCR, Philippines
Well here I am. I don't know how to say this. The only thing I know is awkward silence. Your eyelids close when you're around me to shut me out. - freakish, saves the day
View my complete profile

Recent Posts

TWILIGHT SUMMARY ( in tagalog pare!)
Active Vista Film Festival
How's Ely (Ely Buendia Update)
How's Tara (Tara Santelices Update)
Fundraising Events for Tara
37 things you don't know (i think) about it...
Googling Myself - new past time
iBANG item no.009
iBANG! item no.008
iBANG! item no.007

Archives

April 2005
May 2005
June 2005
July 2005
August 2005
September 2005
December 2005
January 2006
June 2006
July 2006
August 2006
September 2006
October 2006
November 2006
December 2006
January 2007
February 2007
March 2007
July 2007
January 2008
March 2008
August 2008
September 2008
November 2008
December 2008

Links

My Friendster
My MySpace
My Band's Friendster 1
My Band's Friendster 2
My Band's MySpace
My deviantArt

Riddle Games

Hacker Puzzle
Frvade
NotPron
Frvade
ZeSt
Clever
Dracula
[More to Come]

Deviations

20.8.05

« Eupee Trip II »

This could be the most peaceful mini concert that I ever attended… well, almost. Ok na sana, kaso…

Yesterday, August 18, Thursday ng around 8:00 PM, nagpunta kami ni Solomon sa U.P. bahay ng Alumni sa U.P. Diliman. Dapat kasama naming si Tejal pero nasa ospital daw sya pero try daw nyang sumunod. Nag FX na kami papuntang Katipunan, dun sa sakayan ng jeep papuntang U.P. campus. Medyo traffic pagdating sa may gate ng U.P. kaya nagbabaan na ang iba pasahero. Pagdating ng jeep sa may sunken garden, imbes na dumerecho, lumiko ito papuntang exit. Kaya bumba na kami at nilakad mula sunken garden hanggang Bahay ng Alumni. Second time ko palang nakapuntang U.P. kaya mejo palingon lingon pa rin ako para mag sight seeing. Hehe. Grabe kami na alng yata ang naglalakad dun kasi ang dilim na ng paligid at halos tunog nalang ng kuliglig at mga sasakyan sa malayo ang naririnig ko. Maya-maya tinigil ko na ang paglilingon-lingon dahil baka may makita akong hindi kaaya-aya. Never pa akong nakakita ng maligno at multo at ayokong makakita kaya tinigil ko na.

Hindi pa kami nakakarating sa BNA, may nakasalubong na kaming mga punk-punkan, oi-oiyan, at mga poserong punk kaya alam na naming na may iba pang mga katulad doon. Maya-maya, nakadating na kami sa BNA. First time kong nakita ang BNA at mejo ok lang ang dami ng tao. Hindi masyado siksikan. Umakyat na kami sa may entrance at umupo muna sandali para i-text si Tejal. Nag-antay kami ng reply, isang matinding pag-hihintay pero wala kaming natanggap na reply. Kaya pumasok na kami sa loob at kanina pa pala nagsimula ang show. 3rd band na ang nasimulan naming. Moderate lang ang dami ng tao. Just the way I like. Pero may mga minor de edad na mga bolocks pa din sa loob, mga below 20 na katao sila doon at gumagawa ng mapaagaw na eksena, in short, mga papampam. Ang ikinatataka ko, kala ko ba mga PUNK sila, pero bat sila nandoon. Diba dapat underground ang scene nila. Hindi naman underground ang Cambio, Imago at Sugarfree ah. Naisip ko nga na kung tanungin ko sila tunkol sa mga bandang Punk, masasagot kaya nila yun? Anyway, kahihiyan sa punk community ang mga pinaggagagawa nila.

Tutugtog na ang mga featured band na pinangunahan ng Cambio. Pumunta na kami sa harap na harap at nagsimula na ring magwala ang mga jologs na punk na akala mo Anti-flag or Rancid ang tutugtog. Ginagawa na nila ng kanilang mga signature dance moves na wala naman sa hulog nag sa beat. Nampoocha! Parang mga… hay ewan ko ba… kulang ang mga mura sa buong mundo para sa kanila. Anyway, after Cambio, Imago naman. Taena! Ganda ni Aia!!! Whooohooo… cute pa ng suot! ^_^ napanood ko rin sya ng malapitan. Galing-galing, nakaka-goosebumps. After nila, syempre Sugarfree na. nakaka-goosebumps din. Galing talaga ng mga tugtog nila. Nakaka-relate ako. WAHAHA.

Last song na ng Sugarfree, hari ng sablay. Tuwang-tuwa ang mga tao lalo na ang mga walang-hiya. Magbabato na ng poster si Ebe kaya bigalang nag compress ang mga tao. Tuwang-tuwa, then suddenly, disaster strikes! Kinalabit ako ni Solomon at samahan ko daw sya dahil nadukot daw ang cellphone nya. “NOT AGAIN!” sabi ko sa isip ko. Langya ba naman, lahat yata ng mga nakakasama ko nawawalan ng cellphone. Ano ba, jinx ba ako? Pero sa awa ng diyos, hindi pa ako nadukutan ng cellphone… well, nadukutan na ako ng cellphone pero hindi naman sa akin yung phone.

Iyon, naputol ang aking kasiyahan at pumunta kami sa entrance kung saan may mga guardya na may yantok. Ni-report namin sa knila ang nagyari. Tinapos na namin ang concert sa piling ng mga guard. Pero wala kaming nagawa dahil sabay-sabay naglabasan ang mga tao. Dammit! Haaay, buhay. Hindi lang mga jologs posers assholes… mga kawatan, snatcher, mandurukot at putang-ina pa ang mga bolocks punk-punkan ang mga putang-inang mga tao yan. 3310 pinatos pa, ampoochaenaskidooleletskie!!!

…Sorry for words, just carried away. Anyway, mga 1:00 A.M. na natapos ang gig. Nilakad namin mula BNA hanggang sakayan ng tricycle sa labas ng U.P. campus. Then nag tryke kami mula U.P. hanggang katipunan. Then Jeep to SSS Village. 1:45 AM ako nakatungtong sa aking pamamamahay. Atig Sugarfree, astig Imago, astig Aia!!!

Yung gig nga pala na yun ay for the benefit of S.I.K.A.P. Bata Foundation ng East Avenue Medical Center. Wala lang… gusto ko lang sabihin...

And one thing, si Tejal ay nahuli ng Cowboy... -END-

---------------------------------------------